CHAPTER 2: SIGNS

26 12 0
                                    

ALAS DIYES na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang sinabi ni Paris kanina. Paanong naging kaaway ni Alyana sina Hillary? Wala naman akong narinig tungkol doon.

Hillary is a dangerous person. May napatay na raw siya noong grade 7 kami kaya lang ay na-frame up lang daw siya kaya pinalabas siya sa DSWD. Tiyaka, nagbago na rin ang ugali ni Hillary pagtuntong namin ng grade 9. Naging mabait na siya at hindi na palaaway.

Pero ano ang issue nila ni Alyana?

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang messenger ko. Ms. Pilgrim sent me a message. Tinatanong niya kung pwede daw ba akong pumunta nang mas maaga bukas dahil magpapatulong daw sila sa pagpa-pack ng mga ipamimigay namin sa Barangay Pilapil. I replied ‘sure’ before I turned off my phone. Nakalimutan ko na rin ang mga iniisip ko kanina at nakatulog na.

Alas 3 nang madaling araw ako nagising at kahit inaantok pa ako ay pinilit kong bumangon at maligo. Nagsuot lang ako ng jogger, t-shirt na puti at snickers. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at bumaba na. Nadatnan ko si Kuya na prenteng nakaupo sa couch habang nagkakape at nakatutok sa kanyang laptop. Nabaling sa akin ang atensyon niya at bahagyang nagulat.

“Zivienne?! Why are you up so early?” tanong niya. “Alas tres pa lang ah. Alas sinko pa ang call time niyo. Go back to your bed. Masyado kang excited.”

Natawa ako. “Kuya, kailangan kong pumunta ng mas maaga sa school ngayon dahil tutulong pa ako sa pag-aayos ng mga donations.”

“Madilim pa sa labas,” anito. “May mga mumu pa diyan sa kalye, sige ka.”

“Kunwari natatakot ako Kuya,” pambabara ko at umupo sa tabi niya. Tumawa naman ito at tumayo.

“Magluluto muna ako ng almusal mo. Tulog pa kasi si Nanay Gloria.”

“Ocakes.”

Pagkatapos ni Kuya magluto ay kumain na ako. Hinatid niya rin ako sa school kasi baka kunin daw ako ng mga mumu sa kanto HAHAHA. Kuya ko isip bata.

“Basta Kuya, sabihin mo kina Hazel na nauna na ako dito ha.” Tumango ito at hinalikan ako sa ulo. Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa gate. Maaga pang nagbubukas ang school kasi maaga rin dumadating ang mga school helpers para linisin ang campus.

Naabutan ko si Ms. Pilgrim na nagsasandok ng bigas mula sa sako at nilalagay ito sa matibay na plastic bag habang si Sir. Cavalor naman ay naghahakot ng mga karton ng delatas. Lumapit ako sa kanila at binati sila.

“Ano pong gagawin ko?” I asked.

“Ah, lagyan mo ng tig-sampung delata at tig-limang noodles ang mga karton,” sagot ni Ms. Pilgrim. Sinunod ko ang sinabi niya at sinimulang lagyan ng mga delata at noodles ang medyo may kalakihang mga karton. Pagkatapos ay kinukuha ko ang mga bigas na nakalagay sa plastic at nilagay isa-isa sa mga kahon.

“Ms. Deala, pwede mo ba akong tulungan sa paghakot ng mga karton ng gatas mula sa stock room? Huwag kang mag-alala, hindi naman mabigat ang mga iyon,” Sir. Cavalor asked. Sumunod ako sa kanya paakyat sa stock room. Marami pang mga box ang nandito. Ido-donate ba namin lahat ng ‘to?

Binubuhat ko na ang isang box nang may pumigil sa akin. “Let me,” anito at kinuha ang box mula sa kamay ko. Nilingon ko ito at nakita si Wave na nakasuot din ng white t-shirt at jogger. “Just help Ms. Pilgrim downstairs.”

Sumunod ako sa kanya pababa at tinulungan si Ms. Pilgrim. Panay hikab rin ako buhat ng antok at pagod.

4:30 na nang matapos namin ang pagpa-pack. Nagpaalam sa amin si Ms. Pilgrim na uuwi na siya dahil kailangan pa niyang mag-ayos para pumasok mamayang 6. Pumunta lang siya dito para ayusin ang mga donations. Unlike other Principals, Ms. Pilgrim is very responsible. She really deserves her position.

AMONG US IWhere stories live. Discover now