CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD

6 2 0
                                    


WE SPENT the whole Saturday trying to find the recent account of Coby Jhared Castronuevo, but we failed to find it. Saan-saang account na kami napadpad, pero wala pa rin kaming nakita na account na maaring ginagamit niya ngayon.

“What if he’s the killer and he changed his identity so that no one will find him suspicious?” Paris concluded. “He might be someone in the campus or he might be one of our classmates or teachers.”

“I have the same thing in mind,” segunda ni Tobias.

“Kakadikit niyo ‘yan ng ulo niyo sa ulo ko. ‘Yan tuloy, naiisip niyo rin mga iniisip ko,” saad ko sa kanila na ikinatawa nilang dalawa. “But what we are thinking is somehow possible, right? Let’s try the ‘Think as a Killer’ game.” Umayos ako ng upo at gano’n din ang ginawa nila. “If I am the killer, the possible thing I would do is to act innocent and kind to my victims so that no one will suspect me.”

“That’s a pretty one,” Tobias commented. “If I am the killer, I will befriend my victims, lure them out of their safe places, and kill them!”

“Baka ikaw talaga ang killer, Tobias,” I joked. Paris and I both laughed while Tobias just maintained his blank face.

“We never know,” pagsakay nito sa trip ko gamit ang seryoso at nakakatakot nitong boses. Nang tumigil kami sa pagtawa ay siya naman ang tumawa. “Kidding. Of course, I’m not the killer, but I’ve dreamt of becoming one.”

“Luh, b0ang. Dreamer ka rin pala, anteh,” natatawang saad ko. “Okay. Let’s be serious now so don’t laugh anymore, Tobias! Lumalabas pagiging playful mo.”

Tinikom naman nito ang bibig niya at binuksan din ang cellphone niya para maghanap sa internet. Nakaupo lang kaming tatlo rito sa park habang nagso-scroll sa internet. People might think that we’re just normal kids that are playing phones. Little did they know that we’re being detectives right now, sticking our nose to this dangerous game with the killers.

HAZEL

“Naku naman, Hazeline! Magdahan-dahan ka naman! Jusko!” reklamo ni Shaun nang masagi ko ang isang mamahaling vase sa entrance ng mansyon nila. Mabuti at nasalo niya ito. “Para kang uod na binudburan ng asin sa likot mo.”

“At least, flexible ‘yung uod,” sagot ko na pinagsisihan ko rin naman agad dahil narinig ko ang nakaka-insulto nitong tawa.

“So, inaamin mong uod ka?” he asked and laughed after. “Masarap ba ang lupa?”

“Aba, ewan ko. Ba’t hindi mo subukang kainin para malaman mo kung masarap?” I rolled my eyes at him. Padabog akong umupo sa sofa nila.

Hays, bakit ba kasi siya pa ang naging kasama ko sa imbestigasyon na ‘to? Okay na sa’king kasama namin si Wave dahil mas mabuti pa siyang maging teammates dahil seryoso siya. Eh, ang isang ‘to? Tumitino lang yata kapag si Zivienne ang kaharap eh. Naneto, talagang isusumbong ko ‘to kay Zivienne para tumino.

“Is Caryl coming?” Wave asked.

“Papunta na raw siya!” excited kong sagot na tinanguan naman niya bago tahimik na naupo sa single sofa.

“Luh, ba’t parang excited ka? Hindi naman tayo magse-sleep over dito.” Tamo ‘tong lalaking ‘to. Palagi talagang may say sa mga ginagawa ko. Kaunti nalang ay iisipin ko na talagang gusto ako nito eh. “Gagawa tayo ng project sa Science.”

“Tanga. Mag-eembestiga tayo! Baliw ka talaga,” rebat ko.

“Gagawa tayo ng project sa Science ft. mag-eembestiga,” pagtatama nito sa sinabi niya. “Huwag mong sabihing mag-eembestiga tayo. Madali talaga tayong mabubuko dahil sa kadaldalan mo.”

AMONG US IWhere stories live. Discover now