CHAPTER 14: ABDUCTED

4 2 0
                                    

“NAG-AWAY BA kayo ni Wave, Zivienne?” takang tanong ni Donna habang kumakain siya ng fries. Lunch time at nasa cafeteria kami ngayon at hindi namin kasama si Wave. Bumalik na naman ata siya sa pagiging introvert at cold person niya. “Hindi yata kayo nagpapansinan.”

“Oo nga,” sang-ayon ni Hazel. “Buti pa nga ‘yung Celeste na ‘yon eh pinapansin niya. Argh! The guts of that girl to say that she’s much better than you?!”

“I don’t like her,” Zhaivo said. “Masyadong mayabang at bilib sa sarili.”

“I agree,” segunda ni Shaun. “Hindi pa makakalahati ang school year ay marami na siyang makakalaban sa campus sa ganiyan niyang ugali.”

“Hayaan niyo nalang siya. Hindi naman kayo inaano,” saway ko sa kanila. “If she can’t be nice to you, at least be nice to her. Just don’t mind her words.”

Hindi-makapaniwalang tumingin sa akin si Shaun. “How could you be like that, pretty Zi?” he asked. “Natatakot akong magkasala dahil sa’yo eh.”

“B0ang.” Mahina akong natawa. “Hindi naman ako Santa. Iniintindi ko lang talaga para makaiwas sa gulo. Mahirap na, baka matagpuan nalang ako bigla na palutang-lutang sa ilog.”

Napa-aray ako nang mahina akong hampasin ni Tobias ng naka-rolyong bond paper sa ulo. “Don’t think of those,” saway niya kaya napasimangot ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Mas lalo lang akong napasimangot nang makita si Wave na tumatawa kasama ‘yung transferee. Hindi naman sila pinapansin ng iba naming kaklase dahil tutok ang mga ito sa kani-kanilang gawain.

Kinuha ko ang toy hammer sa ilalim ng desk at hinampas iyon sa teacher’s table na nasa gitna. Agad ko namang nakuha ang atensyon nilang lahat. “Announcement, everyone!” Nagsi-ayos sila ng upo at panandaliang tinigil ang mga ginagawa nila. “I won’t be around this afternoon so I want you all to behave accordingly.”

“Just leave them to me!” bibong saad ng transferee sabay tayo. “I’m sure they’ll behave well under my watch! I’ll be your President for a while!”

Napailing ako. “Tobias, Mia, Al—“ Napatigil ako tiyaka tumikhim dahil nakalimutan kong wala na nga pala si Alyana. “Tobias, Mia, Paris, Owen, you’re in charge. Make sure to clean the room before you leave. Electricfans off, windows closed, doors are locked.” Nag-salute na naman si Owen samantalang tumango lang si Tobias. “Avoid bullying and unnecessary commotions. Strictly, no profanities. One profanity…”

“One punishment,” sabay-sabay nilang dugtong.

Nilibot ko muna ang tingin ko sa kanila bago ako nagpaalam. Alam naman na nila Paris na sasamahan ko si mommy sa ospital ngayon dahil sa monthly check-up niya kaya hindi na sila umangal sa sumama. Hindi rin naman ako papayag na umabsent sila, ‘noh.

“Mom, by any chance, may kapatid pa po ba ako?” I suddenly asked mom while we’re waiting for her doctor. Napansin ko namang natigilan ito.

“Why so random, hija?” she asked back, smiling.

“Naisip ko lang po,” mahina kong sagot. “Sabi po kasi nina Sir Villejo ay magkahawig po kami nung kaklase kong si Tobias. He asked if we’re somehow blood-related, but I said no. Para raw po kaming kambal.”

Kita ko ang bahagyang pagkagulat nito. “Oh, really?” Napaisip ito. “Since you brought it up already, I’ll just tell you the story while we wait for doctor Santiago.”

Kinabahan ako bigla sa sasabihin niya. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip tungkol sa sinasabi nilang baka kakambal ko si Tobias kaya na open up ko.

AMONG US IWhere stories live. Discover now