CHAPTER 6: CUTS

19 12 0
                                    

“S-SINO po ang gumawa nito sa a-anak ko?”

Nandito kami sa bahay nina Bridgette. Since wala naman kaming pasok ngayon ay napagdesisyunan nalang naming pumunta dito at tumulong sa pag-aayos ng burol niya. Kaming lima lamang ang pumunta dito. Si Wave, ako, si Sir Villejo, si Hazel, at si Tobias.

“Hindi pa po namin alam kung sino,” Sir Villejo replied. “Pero ginagawa na po ng mga pulis ang lahat para mahuli ito.”

“Nakita niyo ho ba ‘yung video niya?” Tobias calmly asked.

Tumango-tango ang ginang. “Oo,” sagot nito at tumangis. “Pero hindi namin siya pinagsalitaan ng m-masasama dahil alam naming may rason naman kaya niya n-nagawa iyon.”

“Gumawa siya ng b-bagay na maaaring makasira sa kinabukasan niya pero hindi naman namin siya s-sinisisi dahil alam namin ang pinagdadaanan niya at n-naiintindihan namin siya.”

“Ang hindi lang namin maintindihan ay kung bakit nangyari ito sa kanya…”

“Bakit siya pinatay?”

Humagulgol na naman ang ginang kaya pinagpahinga muna namin siya at kami na ang nag-ayos ng paligid. Maya-maya lang ay dumating na ang kabaong ni Bridgette at inayos ito ng mga taga-punerarya sa loob.

Hindi naman kami nagtagal doon dahil pagsapit ng alas dose ng tanghali ay umalis na kami. Pumunta kami sa isang Café at nag-usap doon.

“What happened to Bridgette is really disturbing,” ani Sir. “A forensic friend of mine who autopsied Bridgette’s body said that her private part was brutally damaged. Namamaga daw ito at puno ng sugat. Parang sinaksakan daw ng matalim na bagay.”

Parang hindi maipinti ang mukha namin ni Hazel dahil sa narinig. How brutal.

“Hindi kaagad siya nakatakbo palabas dahil wala na siyang lakas at nagdurugo pa ang private niya,” dagdag niya. “That’s what Detective Austria had concluded.”

“Base rin sa imbestigasyon, mga bandang alas  kwatro o alas sinko daw nangyari ang sunog dahil mainit-init pa ang lab nung dumating ang rescue noong alas sais.”

“Wala po bang witness?” tanong ni Hazel na inilingan naman ni Sir Villejo. “Eh, bakit kaya nandoon na si Bridgette nang gano’n ka aga? Eh diba, late siya palagi tuwing may pasok?”

“Baka may kikitain siya…”

“Kikitain nang gano’n ka aga?” Hazel asked. “Sino naman?”

“Hindi kaya si Zero?” hula ko.

“Her phone,” biglang sabi ni Wave. “We can search for calls or messages.”

“Pero wala ang phone niya sa mga gamit na nakuha ng mga pulis sa labas ng crime scene,” sagot ni Sir Villejo. “Tinanong ako ni Mrs. Salazar kung baka raw nakuha ko.”

“Hindi niyo naman po kino-confiscate mga phones namin…”

“Kaya nga…” Napaisip si Sir Villejo. “Baka nasa salarin.”

I heave a sigh. Ni hindi nga namin alam kung sino ang salarin.

Pagsapit ng hapon ay nagsi-uwian na kami. Umidlip ako sandali ngunit naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag. Wala sa isip kong sinagot iyon habang nakapikit.

“Hmm, helloo?”

“Did I wake you?” mahinang tanong ng nasa kabilang linya. I just groaned which made him chuckle. “I apologize for interupting your sleep.”

Kinusot-kusot ko ang mata ko at bumangon. Madilim na sa labas at mahangin, mukhang uulan yata.

“No, it’s fine,” I replied and yawned. Isasara ko na sana ang bintana ngunit biglang lumakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. “Ang lamig naman.”

AMONG US IWhere stories live. Discover now