CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I

2 0 0
                                    


PALIHIM AKONG kinindatan ni Hazel nang makalabas na ako sa kotse. Napansin kong nakatingin si Paris sa ilalim ng kotse ni Wave at bigla na lamang siyang lumuhod sa semento at tumingin sa ilalim.

“Paris, may mga tae riyan iw,” saway ni Hazel at hinila si Paris patayo. “Ba’t ka nakadukmo riyan?”

“Bro, tumatagas ang gas ng kotse mo,” anito kay Wave nang makatayo na siya. “Flat din ang isang gulong sa harap at ang isa sa likod.”

“Fuck that bastard,” mahinang mura ni Wave kaya nakurot ko siya sa tagiliran.

“Tara na guys! Hayaan niyo na ‘yan. Dala ko naman ang kotse ko,” wika ni Shaun.

“Wow, naka kotse si kuya,” biro ko. “Anyway, let’s go. Ipapakuha nalang natin kay kuya Joseph ang kotse mo at siya na rin ang aayos.”

Tumango nalang si Wave bilang tugon. Bago kami umalis ay nakita ko pa kung paano nainis at naglakad palayo ang lalaking sumusunod sa amin. Doon ko lang napansin ang height at katawan nito. Is it Yuan? Si Yuan ba ang admirer ko?

No. No, it can’t be him. Simula bata pa lang ay magkasama na kami ni Yuan. Ninong at ninang niya sina mom at dad and we are great best friends. Parang kapatid na ang turing namin sa isa’t isa kaya hindi niya magagawa ‘to sa’kin. Tiyaka, gustong gusto niya ako para kay Wave at ni minsan ay hindi siya nagka-crush sa’kin. Also… Yuan is gay. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng sikreto niyang ‘yon. I should not doubt him. Pero, teka, may kilala pa akong kasing-taas ni Yuan at kapareho ng katawan.

Angelo. But it couldn’t be him. Sobrang kulit ni Angelo at madali siyang mabisto kapag may ginawa siyang kalokohan. Tiyaka, wala rin naman siyang pakealam sa paligid niya. Loko-loko lang siya at palagi ko siyang nasasaway dahil sa mga kalokohan niya. Mabait din si Angelo at kasama ko na siyang lumaki kaya kilalang-kilala ko na siya.

Miguel. Alam kong crush ako ni Miguel. He once confessed to me, but I rejected him… in a nice way, of course. Tanggap naman niyang may iba akong gusto, pero hindi dapat ako magpakampante diba? Hindi ko masyadong kilala si Miguel at hindi ko rin alam ang mga bagay na kaya niyang gawin. Could it be him?

Lastly, si Sir Cavalor. Biglang lumakas ang kutob ko na baka siya. Base na rin sa pagtangka niyang gahasain ako noong nakaraan. Pwedeng siya ‘yung admirer ko! Hindi niya ako nagalaw at naparusahan pa siya dahil sa ginawa niya, pero nag-sorry naman siya sa’kin at pinatawad ko naman siya. Posible bang nagalit siya? Argh! Hindi ko na alam.

“Zivienne ko, are you okay?” Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Wave. Ngayon ko lang napansin na naglalakad na kami papasok sa bahay at nauuna ang apat sa paglalakad. “You’re spacing out.”

Umiling ako bago ngumiti sa kanya. “I’m okay, Wave.”

“Sabihin mo po sa’kin kung may problema po ikaw, ha?” malambing nitong saad sabay kuha sa kamay ko at hinalikan ito. “Nag-aalala po ako eh.”

Natawa ako sa pananalita nito kaya napisil ko siya sa pisnge. “Okay po,” parang bata kong sagot. “Ang cute mo, Wave ko.”

Napatingin kami sa pinto nang may tumikhim doon. Tobias is looking at us with his serious expression while his hands are crossed on his chest. Si kuya Zievo naman ay kinikilig sa gilid niya. Parang mas kuya pa si Tobias kaysa kay kuya Zievo kung maka-react. Well, kuya ko naman talaga si Tobias lalo na’t mas nauna siyang ipanganak kaysa sa’kin, pero mas strikto pa siya kaysa kay kuya!

“Lovebirds, kakain na sabi ni mom,” malambing na saad ni kuya Zievo. “Mamaya na ‘yang moment niyong dalawa. Magkatabi naman kayong matulog.”

“What?” Kumunot ang noo ni Tobias. “I thought he was staying at the guest room? Why in Zivienne’s room?”

AMONG US IWhere stories live. Discover now