CHAPTER 15: FAMILY LOVE

5 2 0
                                    

HINDI NAMAN ako nagtagal sa ospital dahil hindi naman masyadong malubha ang natamo kong sugat sa noo kaya na-discharge na ako kinabukasan. Muntik pa masapak ni Tobias si Wave dahil sa pagpapabaya nito sa’kin. Mabuti nalang at napigilan ko siya.

“So, siya si Tobias?” maingat na tanong ni mom habang nakatingin sa katabi ko.

Nasa bahay kami at kumakain ng dinner. Mom invited all of them to come over. Pasasalamat niya na rin sa kanila dahil nandito sila nang ma-kidnap ako.

“It’s weird because you are somehow… identical,” wika ni dad habang pinabalik-balik ang tingin sa amin ni Tobias. “If you don’t mind me asking, hijo, who are your parents?”

Natagalan pa bago makasagot si Tobias. “I don’t know. I’m an orphan,” sagot nito na ikinagulat namin. Huh? Pero, pinsan niya si Hillary…

“So, paano mo naman naging pinsan si Hillary?” si Donna na ang nagtanong.

“I was adopted by her mother’s brother,” walang emosyong sagot niya. “We’re just step cousins.”

“But it’s impossible that he’s my son because he was dead,” naluluhang wika ni mom. “He didn’t survive the fire.”

“He did, actually,” sabat ni kuya na siyang ikina-kunot ng noo ni mom. “Dad was able to save him. Unfortunately, he was baby-napped while we’re looking for you.”

“Apollo?” baling ni mom kay dad. “You owe me a lot of explanation.”

“Kung gano’n, may possibilidad na k-kambal kita,” mahina kong saad sa kanya. Nilingon niya ako at tinignan gamit ang blanko niyang ekspresyon. Sunod siyang tumingin kina mom at dad bago siya tumayo.

“Excuse me,” paalam nito at lumabas. Tumayo rin ako at sinundan siya sa labas.

“Tobias,” I called. Tumigil siya paglalakad at hinarap ako. “Are you not considering it?”

“No,” diretsang sambit nito. “Ulila ako. Inabandona ako. Pinabayaan ako. Wala akong magulang at mga kapatid. So, why would I consider?”

“B-baka kasi totoo—“ he cut me off.

“Eh ano naman? Ano naman kung totoo?” he asked. “Anong mababago kung magkapatid tayo?”

“Marami, Tobias,” sagot ko sabay ngiti. “May totoong pamilya ka na at—“

Umiling ito. “I don’t want to be a part of your family, Zivienne,” anito gamit ang malamig niyang boses na ikinabagsak ng mga ngiti ko. “I don’t want you to be my sister.”

“B-bakit ayaw mo s-sa’kin?”

Hindi niya ako sinagot bagkus ay iniwan niya akong umiiyak at nanlulumo dahil sa mga sinabi niya. Umiyak akong parang bata sa frontyard namin habang tinatanaw ang papalayo niyang pigura. Malakas ang kutob kong siya ang kakambal ko… pero bakit ayaw niya sa’kin? Bakit ayaw niya akong maging kakambal?

“Stand up, Zivienne,” malamig na utos ng tao sa likod ko. Hindi ako nakinig sa kanya. Tumingala ako at kinusot ang mga mata ko. I just can’t stop crying.

“B-bakit gano’n?” I sobbed. I felt him sat beside me. “O-okay naman ako, diba? Hindi naman ako m-maldita, hindi rin naman masama ang ugali ko…”

“Pero bakit ayaw niya sa’kin? Bakit ayaw niya akong maging kapatid?” Mapait akong ngumiti. “Maayos naman akong maging kapatid, hindi ba, Wave?”

He shrugged while looking blankly on the stars. “How would I know?” he asked. “I never looked at you as my sister.”

Umurong bigla ang luha ko pero mas lalo akong sumimangot. “Ang sama mo naman! Ayaw mo pala akong maging kapatid. So, hanggang friends nalang ba tayo?”

AMONG US ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon