CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE

3 2 0
                                    

NAPABALIKWAS AKO nang bangon dahil sa sinabi ni Neon. It’s true. France and Mia were next. As what I’ve noticed on that piece of paper, France’s and Mia’s name were both written using red ink, tas black ballpen naman ang ginamit sa iba which is obviously, not the next to be killed. What the fish!

“Explain what happened.”

Kahit gabi na ay nakipagkita pa rin kami ni Wave kay Neon sa may malapit na coffee shop. She requested it, anyway. Hindi rin ako mapakali kaya pumayag na ako. Wave, on the other hand, refused, pero wala na siyang nagawa dahil nagpumilit ako. Ayaw rin naman niyang lumabas ako mag-isa dahil baka ma-kidnap na naman daw ako.

“They’re dead!” bulalas nito. “Someone sent me a picture of them. Napaka-brutal ng ginawa sa kanila!”

“Pwede ko bang makita ‘yung litrato?” I asked.

Tumango naman ito at inabot sa’kin ang phone niya. Akmang kukunin ko na ito nang unahan ako ni Wave. Siya na ang tumingin sa litrato. Sumilip din ako pero agad naman niyang binalik ang phone kay Neon.

“That’s… inhumane,” he commented before looking at me. “It’s better if you won’t see that. It won’t make you sleep tonight, trust me.”

Kahit gusto kong makita ang picture ay tumango nalang ako at hindi na umangal dahil mukhang hindi ako makakatulog nang maayos kapag nakita ko iyon. Si Wave na mismo ang nagsabi na hindi iyon kaaya-aya kaya mas mabuting huwag nalang tignan. It’s for my own good.

Neon told us that someone sent her a box. Nang buksan daw niya iyon ay tumambad sa kanya ang putol na kamay nina Mia at France, pati may note pa raw na nakalagay sa loob. Binigay niya ito sa amin. It says, “This is an invitation for you, Neon. Meet me at Dilegens Café on the evening of July 19, 8 pm sharp. Kindly come alone.”

“A-anong gagawin ko, Zivienne?” kinakabahang tanong nito. “A-ako na ba ang s-susunod?”

I hushed her to calm her down. “H-hindi, Neon.”

Wave shrugged. “We’ll see about that on July 19. Meet that person. If we see you the next day, then you’re not the next person to die. But if we don’t…”

Hinampas ko ito kaya hindi nanahimik nalang siya sa upuan niya.

“Don’t listen to him,” I said. “Uhm, meet with that person. We’ll be right there with you, but in a distance. So, if ever things go wrong, we’ll immediately send help.”

Masunurin itong tumango kahit natatakot siya. Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid pa namin siya sa mismong bahay nila para masiguradong ligtas siyang makakauwi. Mabuti na lamang at nasa malapit lang ang bahay nila at marami-rami pang tao sa daan.

Habang naglalakad kami pauwi ay nagtaka ako nang biglang tumigil si Wave at hinarap ako. He suddenly grabbed my waist and pulled me for a hug. Nagulat ako sa inasta niya ngunit niyakap ko nalang din siya pabalik. Hinagod ko ang likod niya at hinimas-himas ang buhok niya. I closed my eyes because of the warmth that he’s giving me through this hug.

“Wave?” mahina kong tawag sa kanya. “Is there something wrong?”

Kumalas ito sa yakap at tinignan ako bago umiling. Well, hindi naman ako uto-uto para maniwalang wala siyang problema. Baka nahihiya lang siyang magsabi kaya hindi ko nalang pipilitin. Baka mamaya magtampo na naman ‘to. Pahirapan pa naman ang pagsuyo sa kanya.

“Sure kang okay ka lang ha?” paninigurado ko pa nang makarating na kami sa bahay. Tanging tango lang ang sinagot nito at dumiretso na sa higaan. Hindi ko na siya kinulit dahil baka nga may problema siya. Hindi ko rin naman siya pipiliting sabihin sa’kin, pero ipapadama ko sa kanya na nandito lang ako.

AMONG US IKde žijí příběhy. Začni objevovat