CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER

1 0 0
                                    


NAKAPANGALUMBABA AKO ngayon sa desk ko habang naghihintay sa susunod na subject teacher. Monday na naman at miss ko na si Wave. Hindi ako sanay na wala siya kaya nalulungkot ako. Ang sabi naman niya’y gusto niya nang umuwi, pero hindi pa pwede dahil dinala sa ospital ang papa niya kagabi lang. Naiintindihan ko naman kaya okay lang.

“Aww, mukhang may nalulumbay rito,” parinig ni Shaun at inakbayan ako. “Okay lang ‘yan, pretty Zivienne. Nalulumbay rin ako sa isa riyan. Hindi ako pinapansin eh.”

Ngumisi ako sa kanya. “Kawawa naman pala ang pinakamamahal kong kuya,” panunukso ko sa kanya at pinisil ang cute niyang pisnge. “You want me to do something?”

Lumiwanag ang mukha nito. “Yes, please?”

“Okay, ako nang bahala hihihi.” Humagikhik ako. I stood up from my seat and approached Hazel who is slouching on her chair. “Hazeu, game ka bang makipag-date sa’min ni Donna sa Friday?”

“Wow, talaga?” Masigla siyang tumayo. “Game ako diyan, pretty Zivienne!”

Sinabi ko sa kanya kung saan kami magkikita sa Friday at sinabihan ko rin siyang magsuot ng magandang dress dahil magpo-pogi hunting kami. Nakangiti naman akong bumalik sa tabi ni Shaun at pasimpleng sinabi sa kanya kung saan sila magkikita ni Hazel sa Friday. I also told Donna and Paris about it.

“Hey, pretty!” cool na bati sa’kin ni Zhaivo bago siya maupo sa likod ko. Tipid ko naman siyang nginitian at pinagpatuloy na ang pagsusulat ng notes sa notebook.

“Uhm, si ate Zivienne po?” rinig kong tanong ng isang estudyante sa labas ng classroom namin. Tumayo naman ako at tinignan kung sino ang naghahanap sa’kin. Si Millena, grade 8 student. She handed me a bouquet of red roses and a box of ferrero chocolate. “May nagpapabigay po.”

“Sino?” I asked.

“Hindi ko po kilala, ate kasi nakamaskara po siya,” sagot nito sabay kamot sa ulo niya. “Pero pinapasabi niya po pala na ang ganda ganda niyo raw po at gusto ka niyang makuha.”

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya, pero napalitan din agad ng pagtataka ang sistema ko. Sino naman kaya ang nagpadala nito? Malabo namang si Wave dahil nasa Korea siya, at alam niyang ayaw ko sa red roses. Alam din ni Wave na hindi ako mahilig sa chocolate maliban sa tobleron na vanilla at black. So, I am pretty sure that these are not from him. Who could it be?

“Uyy, sweet naman ni Wave, sanaol,” kantyaw ni Yuan nang makita niya ang mga hawak ko.

“Huh? Galing kay Wave? Hindi ba niya alam na ayaw mo sa rosas?” tanong naman ni Shaun nang makabalik ako sa tabi niya.

“Oo nga.” Umupo si Hazel sa upuan ni Wave at kinuha ang hawak kong box ng ferrero. “Tiyaka, hindi niya rin ba alam na ayaw mo nito? Tobleron girl ka, diba?”

“Alam ni Wave kaya alam kong hindi siya ang nagpadala ng mga ‘yan,” seryosong sagot ko habang nakakunot ang noo. “Kaya nga nagtataka ako kung sino.”

“Uyy, may secret admirer siya,” panunukso pa ni Shaun bago nilabas ang phone niya. “Teka, sumbong ko ‘to kay Wave. Kailangan niyang malaman na may dumadamoves sa’yo habang wala siya.”

“Gago ka, Shaun.” Binatukan ito ni Hazel. “Baka magulat nalang tayo, nandito na si Wave bukas kahit hindi pa naman niya uwi.”

“Mabuti nga iyon para hindi na malumbay itong bebe natin,” Donna said.

“Guys, not a word to Wave about this,” saway ko sa kanila. “Baka nga umuwi bigla. Nasa ospital pa ang papa niya kaya mas mabuting doon muna siya.”

Tinago ni Shaun ang phone niya sa bulsa at sumimangot. “Akin nalang ‘tong ferrero kung ayaw mo, Zivienne.”

Akmang kukunin niya na ang chocolate nang ilayo ko ito. “Nah, you can’t have some, Shaunie.” Umiling ako. “You are allergic to chocolates, right? Gusto mong maturukan na naman ng malaking karayom?”

AMONG US IWhere stories live. Discover now