CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)

3 2 0
                                    


KILLER'S POV

FRANCE KEPT calling me Vivian kaya sa sobrang pagka-inis ko'y sinabunutan ko ito. Napadaing naman ito kaya binitiwan ko na. Sino ba 'tong Vivian at bakit niya ako tinatawag sa ganoong pangalan?

"Who's Vivian?" I asked. "You must be mistaken, boy. My name's Caroline, not Vivian."

"W-what?" Naguguluhan itong tumingin sa'kin at naguguluhan ko rin siyang tinignan. "Y-You're Vivian! Huwag ka nang mag maang-maangan! Sa oras na makatakas ako rito, isusumbong kita sa mga pulis!"

Natawa ako sa sinabi niya at tinaas ang hawak kong kutsilyo. "Sa tingin mo ba, makakatakas ka pa?" Ngumisi ako. "Tigilan mo na ang pagtawag sa'kin ng pangalang 'yan at tandaan mo ang pangalan ko."

"Caroline... ako si Caroline." Tumayo ako at walang emosyon siyang tinignan. "I can't believe that you'll forget about me after you raped my twin."

Nanlaki ang mata nito. "R-raped your twin? Sino?" he asked. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo! Hindi kita kilala at mas lalong hindi ko kilala ang kakambal mo!"

Kumuyom ang kamao ko at hindi ko napigilang hampasin siya ng baseball bat sa binti. Lumalakas nang lumalakas ang mga daing niya habang pinaghahampas ko ng baseball bat ang mga paa't braso niya. Galit na galit ako. Nakita ko mismo kung paano niya ginahasa ang kakambal ko, pero wala akong nagawa dahil marami sila. Natakot ako...

"T-tama na!" nanghihinang daing nito. "M-maawa ka."

Hinagis ko sa gilid ang baseball bat at natawa nang sarkastiko. "Naalala ko... ganiyan na ganiyan din magmakaawa ang kakambal ko sa inyo." I looked at him with bloodshot eyes. "PERO NAAWA BA KAYO?!"

"H-hindi ko talaga a-alam ang s-sinasabi mo," tanggi pa nito kaya napasabunot ako sa buhok ko.

"Talaga? Hindi mo alam?" Pumalakpak ako habang tumutulo ang luha ko. "So, sinasabi mo bang hindi mo kilala si Coraline?"

Bigla siyang namutla matapos kong bigkasin ang pangalang iyon. Para siyang nakakita ng multo habang pinagmamasdan ako. Rumehestro ang gulat sa mukha niya nang may mapagtanto. HAHAHAHAHA got 'ya.

"H-hindi..." Umiling-iling ito. "N-nagsisisi na ako sa nagawa ko. P-patawarin mo 'ko!" Humagulgol ito. "N-napag-utusan lang ako!"

Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Agad ko siyang hinila sa kwelyo at nilapit sa akin. "Sino? Sino ang nag-utos na gawin niyo iyon?" tanong ko. "SABIHIN MO!"

Nanginig ito. "Palalayain mo ba ako kung s-sasabihin ko?"

I smirked. Ibang klase rin pala ang lalaking 'to ah, pero sige. "Sige. Sabihin mo sa'kin kung sino ang nag-utos sa inyo, maging ang pangalan ng mga kasama mo noong gabing iyon," sagot ko. "Kapalit no'n ang kalayaan mo."

"P-paano ako makasisiguro?" tanong nito. "Wala akong tiwala sa'yo."

"May isang salita naman ako," natatawang saad ko. "Sabihin mo na bago pa dumating si Kuya at isunod ka sa babaeng iyan." Tinuro ko ang nagkalat na dugo at buto ni Mia bago muling tumingin sa kanya.

Napalunok ito. "A-ang nag-utos ay si-" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang may bumaong kutsilyo sa leeg nito. He mouthed something, pero hindi ko naintindihan kung ano 'yon dahil nawalan na siya ng hininga.

"Ano ba, kuya?" Inis ko itong nilingon. "Bakit mo naman ginawa iyon? Tinatanong ko pa kung sino 'yung nag-utos sa kanila para pagtulungan si Coraline!"

"You don't need to know about that, Carol," malamig nitong saad.

Wala na akong magawa dahil patay na si France. Argh! Nakakainis! Gusto kong malaman kung sino ang iba pang gumalaw kay Coraline! Si kuya lang kasi ang nakakaalam ng lahat at siya rin ang gumawa ng listahan ng mga nambully kay Coraline. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ni Mia sa kakambal ko.

AMONG US IWhere stories live. Discover now