CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?

24 12 0
                                    

“ALYANA DIED first, and then Bridgette, and then Camille…” Tama! Alphabet! Alphabetical order ang pagpatay! “Letter D ang kasunod. Danica, Dior, Donna.” Nabulong ko nalang ang huling pangalan dahil sa kaba. Kung gano’n, maaari bang si Donna ang isunod niya? Hindi maaari!

“I think, the killer only choses one victim per alphabet.” Binuklat ni Wave ang notebook ko na may mga pangalan ng mga kaklase namin. “Alyana and Angelo is A but only Alyana died. Same with Camille and Caryl. And since Bridgette is the only student in our class who’s name starts with the letter B, it was obviously her.”

“Letter D. Danica, Dior, Donna.” Napatingin sa’kin si Wave. “I’m sure it’s not Donna.”

I grabbed my phone and dialed Donna’s number. Sinagot naman niya agad iyon. “Donna!”

“Zivienne? Bakit?” she asked. Napahinga ako nang maluwag. “May chika pala ako!” Impit itong tumili kaya mukhang alam ko na kung ano ang chika na ‘yon. “Nag-chat kami ni Yuan my loves!”

“Sinasabi ko na nga ba!” I said. “Ano ba sabi niya?”

“Niyaya niya ako sa Amusement Park! Sa Sabado ng gabi!” tili niya. “Kukuha raw siya ng mga litrato doon. Need niya ng model.”

“Wow naman.” Humagikhik ako. “Crush ka rin siguro ng mokong na ‘yon HSHSHSH.”

Narinig ko itong tumili. “Tanungin mo naman siya kung gusto niya rin ako, Zivienne. Close kayo no’n, diba?” Tumawa ako at um-oo kaya napa ‘yey’ ito. “Muchas Gracias, Zivienne! Te amo muah.” Napailing nalang ako pagkatapos i-end ang call.

“You okay now?” Wave asked.

Bumuntong-hininga ako at umiling. Hindi ako sure kung ano ang mangyayari. Sana maging okay lang silang tatlo lalong lalo na si Donna. Hindi siya pwedeng mawala sa amin! Importante rin sa’kin si Dior dahil childhood bestfriend ko siya. Hindi naman kami close ni Danica pero kaklase ko pa rin siya at hindi ko gusto na may mangyaring masama sa kanya. May pag-uusapan pa kami bukas.

“Ngayong alam na natin kung sino ang maaaring isunod ng killer, kailangan natin silang panatilihing ligtas,” I said. “Pero paano natin gagawin iyon? We can’t keep them in one place because the killer might just be among us. Might be one of us.”

“Let’s keep an eye on them,” Wave suggested. “Tell Sir Villejo about this. And also the others.”

I immediately opened my phone and sent a message to our group chat. Mabilis namang nag-seen si Sir Villejo at sinabihan kaming bantayan sina Dior at Danica. Sinabihan niya rin si Donna na mag-ingat. Alam kong hindi natatakot si Donna dahil maalam ito sa pakikipag-basag ulo pero hindi pa rin ako makampante.

“Sweetie, bumaba na kayo ni Wave. Luto na ang dinner!” Mom called after she knocked. Tumayo naman kami ni Wave at sabay na lumabas ng kwarto.

Nadatnan namin sa sala sina Mom, Dad, Kuya, at ang kaibigan niyang hindi ko kilala pero pogi. He’s not familiar. Kuya’s new friend, I think.

“Hello! So, you are Zivienne. Bro, you didn’t tell me you have a beautiful sister.” Ngumiti ako sa kanya at nag-thank you. “By the way, I’m Dio Rivera.” Pinaghila ako nito ng upuan sa tabi niya pero  magalang naman akong tumanggi at umupo sa tabi ni Wave. Gwapo ka pero sorry, mas gusto kong katabi si Wave.

“Bro, not my sister. You’re not her type,” natatawang sambit ni Kuya na ikinanguso naman ng kaibigan niya. “Maghanap ka nalang ng iba.”

“Wave, hijo. Eat a lot.” Ngumiti si Wave kay Mom at tumango.

“Thank you for letting me stay here, Tito, Tita.” Magalang  na wika niya.

“You are always welcome here, hijo,” nakangiting sabi ni Dad. “You’re a family to us so please feel at home.”

AMONG US IWhere stories live. Discover now