CHAPTER 4: FAME SCANDAL

28 12 0
                                    


“LET’S offer a minute of silence for Alyana Hernaiz, a student from Grade 10-A and Angeline Castro, a student from Grade 10-B.”

Silence filled the whole gymnasium but I can still hear the sobs of those students who are close to the victims. I know it’s hard for them to accept Alyana and Angeline’s death but they’re still trying their best not to break down in the moment of silence.

Lahat kaming grade 10 students kasama ang mga teachers ay nakaupo sa gitna ng gym habang ang ibang students naman ay sa mga bleachers na nasa gilid. Sa harap namin ay ang magkahiwalay na litrato nina Angeline at Alyana. May mga flowers at kandila rin sa paligid nito na galing sa mga estudyante.

Dahil sa mga nangyari kahapon ay pinauwi na lamang kaming lahat. Hindi rin natuloy ang birthday celebration ni Camille kaya binati na lamang namin siya. Nakakalungkot lang isipin na namatay ang bestfriend niya sa mismong birthday niya.

Hindi ko nakita ang kalagayan ni Alyana dahil nakuha na ito ng ambulansya bago pa kami makadating ngunit sa tingin ko ay hindi ko kayang makita iyon. Sa paglalarawan pa lang ni Neon ay nasusuka na ako, ano pa kaya kung nakita ko ‘yon?

Pinatawag ako ni Sir Cavalor sa faculty room dahil may mahalaga daw siyang sasabihin kaya nag-excuse muna ako kay Sir Villejo. Nag-excuse rin sina Tobias at Wave at sumunod sa akin na siyang ipinagtaka ko.

“Where are you two going?” tanong ko sa kanila nang makalabas kami sa gymnasium. Huminto ako sa paglalakad at gano’n rin sila.

“Following you,” malamig na sagot ni Wave at bumaling kay Tobias. “You?”

“Comfort room.”

Nagsimula ulit akong maglakad at ramdam ko namang nakasunod lang sa akin si Wave samantalang si Tobias naman ay tinahak ang daan papunta sa CR.

“Good morning, Sir Cavalor,” I greeted when we entered the faculty room. Kasunod naman naming pumasok sina Miguel at Yannah.

“Good morning,” bati nito. “Please take your seats.”

“May balita na tungkol sa pagpatay kay Angeline,” panimula nito. “Hindi taga-Barangay Pilapil ang pumatay sa kanya.”

Nagkatinginan kaming apat. “Po?”

“Ang sabi ng isang ginang ay may nakita daw siyang lalaking tumatakbo papalayo sa talon noong gabing pinatay si Angeline,” Sir. Cavalor explained. “Hindi nga lang niya nakita ang mukha nito dahil nga madilim. Pero, hindi daw pamilyar sa kanya ang bulto ng katawan kaya nasabi niyang hindi taga roon.”

“Kung gano’n Sir, noong gabi pa po pala patay si Angeline?” Miguel asked.

“Hindi mo ba napansing tuyo na ang dugo sa bato kung saan siya nakahiga?” Yannah asked back.

“Eh, hindi eh hehe.” Napakamot ito sa batok niya.

“Kung hindi taga-roon ang salarin…” Tumikhim ako. “Are you giving us a hint that it’s one of us?”

“Zivienne, how could that be possible?” Miguel asked. “We’re minors. Sa tingin mo ba kaya na nating pumatay?”

“Of course, Miguel!” sagot ni Yannah. “Hindi na tayo inosente sa mga ganitong bagay. Kaya na nating pumatay kung may motibo tayo.”

“Then, what could be his motive?” tanong ulit ni Miguel.

“Aba, malay ko? Ako ba ang pumatay?” Yannah sarcastically said and rolled her eyes.

“Ito na muna sa ngayon ang masasabi ko sa inyo,” ani Sir. Cavalor. “Huwag niyong babanggitin ito sa iba dahil hindi pa natin alam kung sino ang pumatay. Baka mamaya, isa pa sa mga kaklase niyo.”

AMONG US ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon