CHAPTER 10: D IS FOR?

5 3 0
                                    


Helloooo! Long time no updateee hehehe! Sorry po sa paghihintay. Update na po tayo nowww...

◖⁠⚆⁠ᴥ⁠⚆⁠◗

I uttered a prayer while waiting for this man to kill me but he stopped inches away from me which made me look at him. Itinapat niya sa’kin ang hawak niyang flashlight kaya napapikit ako. I heard him cursed before he kneeled in front of me.

“Zivienne.” I opened my eyes when I familiarized his voice. It’s Wave! “Zivienne, why are you here? Why are you crying?” Bakas sa mukha at boses niya ang matinding pag-aalala kaya mas lalo akong naiyak. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinaplos ang buhok ko.

“N-Natatakot ako…” umiiyak kong sumbong sa kaniya. “Akala ko ako na ang susunod. Wave…”

“Shh… I’m here,” pagpapatahan nito sa’kin. “I shouldn’t have left you there. I’m so sorry.” Naramdaman ko ang malambot nitong labi sa noo ko. “I won’t let them touch you, hmm?”

Pinatayo ako ni Wave at inalalayan palabas. Nangangatog pa ang tuhod ko dahil sa kaba at takot. Nang makalapit kami sa sasakyan ay agad akong sinalubong ni Shaun ng yakap. Sumunod din sina Donna at Hazel kaya naiyak na naman ako.

“Are you okay, Zivienne?” nag-aalalang tanong ni Sir Villejo na tinanguan ko naman. “Get inside! Hurry!”

Sir Villejo cleared our way first before driving to the nearest hospital. Tumabi ako kay Dior habang ginagamot siya ng Nurse. Naaawa ako sa kanya. Nanghihina pa ang katawan niya dahil sa sinapit.

“Ano ba talaga ang nangyari, Dior? Why did they brought you there? Do you know them? Were they familiar? Do you—“ he cut me off.

“Zivienne, I’m fine.” I pouted. “One at a time, okay?” Tumango-tango ako. “I was heading home when a car stopped in front of me. Unfamiliar guys suddenly dragged me inside that car and knocked me off.”

“When I woke up, I was already inside the room where you found me,” he continued. “Tied in a chair.” Napadaing ito nang diniinan ng nurse ang bulak sa sugat niya sa kamay. “Binugbog ako ng mga pangit na ‘yon at basta nalang akong iniwan do’n sa madilim na kwarto.”

“Do you know them?” I asked.

Umiling ito. “Bukod sa hindi ko sila kilala ay hindi ko rin natandaan ang mga mukha nila,” nanghihinayang sagot nito. “Kapag talaga nagkataon na namukhaan ko ang isa sa kanila, hahanapin ko siya at bubugbugin din.” Hinampas ko siya kaya napa-aray ito. Ayy, nahampas ko ang isang sugat niya hehehe.

“Isang kaladkad ka nga lang papasok sa sasakyan nila tapos maghihigante ka pa?!” bulyaw ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako kaya kinurot ko ang tagiliran nito. Dumaing na naman siya na ikina-kunot ng noo ko. “Pati dito, mayroon kang sugat?”

Napakamot siya sa ulo niya. “Hindi ko naman kasalanan ‘to, Zivienne.”

“Sinisi ba kita?”

Tumawa ito at tinaas ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko. “Don’t worry, okay lang talaga ako.”

“I reported it to the police already,” singit ni Sir Villejo. “Hinahanap na nila ang mga iyon.”

Dumiretso kaming lahat sa Jollibee pagkatapos magamot ng mga sugat ni Dior. Tahimik lamang si Wave hanggang sa makauwi kami sa bahay. Bumati lang ito kina Mom at agad na umakyat sa kwarto ko. Sumunod ako sa kanya at dumiretso sa banyo para mag-half bath. Nang matapos ako ay siya naman ang pumalit sa’kin sa loob.

Humiga na ako sa pwesto ko at humarap sa bintana. Pumapasok sa bintana ang liwanag ng buwan kaya pinatay ko nalang ang ilaw. Maliwanag naman na. Kailangang magtipid sa kuryente ngayon.

AMONG US IWhere stories live. Discover now