CHAPTER 23: NO SECRETS

0 0 0
                                    

CHAPTER 23: NO SECRETS

ZIVIENNE

ONE WEEK of class suspension has ended and now we’re back in Maple High. Parang wala lang nangyari sa mga nagdaang linggo. The students are minding their own businesses. Mabuti pa sila. Wala silang inaalalang mamatay tao. They don’t worry about themselves being in danger while we, grade 10-A students, ay halos hindi na pumasok dahil sa mga sinapit ng mga kaklase namin. We now live in fear because of someone who is trying to put justice in his own hands.

Napabuntong-hininga ako at dumukdok sa desk ko. Wala akong tulog dahil sa isang linggong pagbabantay namin kay Neon sa ospital. Wave didn’t make it to school today because he’s sick. Nagising nalang ako kaninang umaga na nasa fur carpet ko na ito natutulog dahil ayaw nitong mahawa ako, pero mukhang ako yata ang nakahawa sa kanya. I also feel sick today. Nanghihina ako at para akong hihimatayin anytime. Pinagalitan pa ako ni Paris dahil pumasok pa ako kahit nanghihina na. Hindi naman kasi dapat ako papasok for a reason that I don’t want to leave Wave and I want to take care of him, pero may nagtutulak sa’king pumasok eh.

“Sobrang init mo, pretty Zi!” bulalas ni Shaun matapos niyang hipuin ng palad niya ang noo at leeg ko. “Umuwi ka nalang kaya? Ihahatid kita tapos babalik nalang ako agad,” he suggested but I just shook my head. “Ka tigas talaga ng ulo mo, Zivienne! Baka ano pa ang mangyari sa’yo kapag pinilit mo pang manatili rito!”

“I’m fine, Shaunie,” paninigurado ko rito. He crossed his arms on his chest and rolled his eyes at me while mimicking what I just said.

“Huwag mo akong ma I’m fine, I’m fine ha! Naku, halika at iuuwi na kita sa inyo.” Tumayo ito sabay kuha sa backpack ko at sinukbit ito sa balikat niya bago ako nito marahang hinila patayo. Napanguso nalang ako at nagpaalam sa mga kaibigan ko, pero ang mga loko ay sumunod din sa’min. Ihahatid daw nila ako pauwi.

“Okay pa ako, ano ba kayo?” masiglang wika ko at nag-stretching pa sa harapan nila. “Huwag niyo na akong ihatid. Kaya kong umuwi.”

Magsasalita pa sana si Shaun ngunit naunahan na ito ng isang boses sa likuran ko. I turned around to face him. Bahagya pa akong nagulat nang makita si Miguel. He’s smiling while walking towards our direction. He stopped in front of me and handed me a bouquet of red roses. Tinignan ko lamang iyon tiyaka nag angat ng nagtatakang tingin sa kanya. He disappeared for weeks at ngayon ko lang siya nakita ulit.

“Hoy, hoy! Ano ‘yan, Miguel?” pang-uusyoso ni Shaun at pumunta sa harap ko. Siya ngayon ang kaharap ng lalaki. “Why are you giving her red roses?”

“Good thing that all of Zivienne’s best friends are here,” he said with his sweet smile plastered on his lips. “Gusto ko kasi sanang sa inyo mismo magpaalam. I would like to court Zivienne for the second time.”

Nagkatinginan kaming magbabarkada. Nag-uusap kami gamit ang mga mata kung ano ang sasabihin namin kay Miguel. We fell in an awkward silence. Pinabalik-balik naman ni Miguel ang tingin sa aming lima, naghihintay ng sagot mula sa isa sa amin.

“Ganito kasi ‘yon, Miguel…” Hazel stepped forward, beside Shaun. “Hindi na kasi pwede ‘yang second time na hinihingi mo kasi…” Tumikhim ito at mukhang nag-aalangan pa kung sasabihin niya o hindi. “Sina Wave na kasi at Zivienne eh. They’re together now.”

Natigilan si Miguel sa sinabi ni Hazel. Dahan-dahang bumagsak ang matamis nitong ngiti at napalitan iyon ng pag-aalangan. Napansin ko pa ang panandaliang pagdilim ng awra nito bago siya muling ngumiti at tumingin sa’kin. Napasimangot naman ako dahil kahit nakangiti siya’y ramdam ko at nakikita kong nasasaktan ito. Wala naman akong magawa kundi ang maawa sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AMONG US IWhere stories live. Discover now