CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE

7 3 0
                                    


NAPAIYAK AKO at nagpumiglas nang maramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko. Nakaupo ako sa sahig at nakasiksik sa pader matapos nang nangyari. Wala akong lakas tumayo dahil nanginginig pa rin ang mga tuhod ko hanggang ngayon.

"Shh... Zivienne, it's me, Wave..." he whispered, trying to calm me down. "I'm here, okay? I'm here."

Hinubad niya ang suot niyang coat at pinasuot sa akin. Bigla akong napayakap sa kanya at mas lalong umiyak sa bisig niya. Niyakap naman niya ako pabalik at inalo ako. I can't believe it happened just now. Sir Cavalor almost raped me. Kung hindi dumating si Wave, malamang ay tuluyan na niyang nakuha ang gusto niya. I can't believe he just did that to me. What crossed his mind to do such thing?

"W-Wave..." Halos hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa takot at trauma na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang umiyak at umiyak. I should be thankful dahil nailigtas ako ni Wave, but it doesn't change the fact that Sir Cavalor almost raped me.

"Zivienne? Zivienne, anong nangyari sa'yo?"

Hazel and Shaun hugged me immediately when we got out of the faculty room. Umiyak ako sa balikat nila nang maalala na naman ang nangyari. It's scary. Nakakatakot siya. I never imagined myself to be in that situation.

Humingi si Sir Cavalor ng tawad sa'kin nang magising ito. He even kneeled in front of me. I forgave him, but I just couldn't forget what he did. Pinipigilan ko lang din sina Wave at Shaun dahil mukhang ayaw nilang paawat. They both wanted to give Sir Cavalor a good punch. Good thing is that Paris is not here. Ang isang iyon kasi ay hindi talaga mapipigilan.

Dahil na rin sa pag-violate ni Sir Cavalor sa isang rule ng school ay binigyan siya ni Ms. Pilgrim ng parusa. She suspended him for a month and this is also his last year of teaching in Maple High. Nakiusap ako sa kanila na huwag nalang sabihin sa parents ko dahil ayaw ko nang lumaki pa 'to, and they respected my decision. Ms. Pilgrim also apologized for what had happened. Though, wala naman siyang kasalanan.

"Zivienne, why did you stopped me? I should have added another black eye on his sinful eyes," maktol ni Shaun habang naglalakad kami pauwi. "Deserve ng hayop na iyon na mabugbog."

"I'm fine now, Shaun," I said and gave him an assuring smile. "Ayaw kong mabigyan ka rin ng parusa."

"Si Wave nga hindi nabigyan ng parusa kahit napatumba niya si Sir eh," reklamo nito. "Is it satisfying, bro?"

Umiling si Wave. "I should beat him to death once he's out of Maple High," he replied. Nanlaki ang mata ko at hagad siyang hinampas. I'm feeling better now. Good thing is that I'm fast when it comes to handling my mental state. What happened is still traumatizing, but I've learned how to overcome it.

"Wave, it's not good." Mapagbanta ko siya tiningnan. Walang emosyon lang nitong ibinalik ang tingin ko bago siya bumuntong-hininga. "Don't do that."

"Pero hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa sa'yo iyon ni Sir Cavalor," Donna commented. "He's so disappointing. Akala ko pa naman matino siyang guro."

"Walanghiya rin pala ang hayop," nanggagalaiting komento ni Hazel. "Argh! Ang sarap niyang ilampaso sa banyo ng mga lalaki. Matuto sana siyang ilugar ang katigangan niya."

"Marami na nga tayong problema, dumagdag pa ang isang iyon," ani Shaun. "Kailan ba mauubusan ng problema ang Pilipinas?"

"Kapag nawala ka siguro rito," sagot ni Hazel. "Bakit kasi hindi ka nalang bumalik sa planetang pinanggalingan mo? Palamunin ka lang naman dito sa Earth."

"You'll surely miss me kapag nawala ako," nakangising saad ni Shaun. Hindi ko alam kung ako lang ba o may double meaning ang sinabi niya? Hyass, napapa-paranoid lang ako. Dahil lang 'to sa nangyari kanina.

AMONG US IWhere stories live. Discover now