30

537K 21K 38.5K
                                    


KIERRA


"Ang sabi... Siya raw ang tumawag ng ambulansya at sinabing bigla na lang akong tumalon sa sasakyan nang hindi niya namamalayan, at noong nahimatay raw ako ay tumama ang ulo ko."


I was already unconscious then. Hindi ko na alam kung paano ba ako nakarating sa hospital. Ito lang ang sinabi sa magulang ko. 


"Baka raw may pinagdadaanan ako at gusto ko nang magpakamatay kaya ko ginawa 'yon... Pero hindi niya raw alam kung bakit. Umiyak-iyak pa siya noong dumating ang ambulansya na para bang hindi siya ang may gawa noon. Hanggang sa huli, pinagmukha niyang wala siyang kasalanan... na nasaktan din siya sa ginawa ko. Alam kong mahaba at mabigat marinig lahat ng 'to kaya okay lang kahit-" 


Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang yakapin niya ako bigla. Nagulat pa ako noong una at hindi nakagalaw ngunit nag-relax din ang mga balikat ko at niyakap siya pabalik. Tahimik siya at hindi makapagsalita habang hinahaplos ang buhok ko. Pumikit na lang ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.


Naramdaman ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko ngunit agad kong pinunasan 'yon bago pa tumulo. "Thank you for telling me." 


"Do you still accept me after everything that happened in my past?" Kumalas ako sa yakap at tumitig sa kaniya.


Nakita ko ang pag-awang ng mga labi niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You shouldn't even be asking that. Your past is never your fault." 


Ngumiti ako nang tipid sa kaniya. "So... Do you accept my love?"


He laughed a little and nodded. The smile remained on his face when he kissed me on my forehead. He was smiling in front of me... but his hand was clenched. 


"Galit ka ba?" nagtatakang tanong ko. 


"Yes. I'm mad at the one who did this to you," he said, trying so hard to control his anger. "I'm so mad that I might not be able to control myself once I see him out there." 


Naiintindihan ko ang galit niya dahil galit din ako. Galit akong kailangan kong maranasan 'yon. Galit ako dahil hindi man lang siya nakulong. Galit ako dahil nasa labas pa rin siya. Galit ako dahil hindi ko kasalanan lahat ng nangyari. 


"How do you know him?" tanong ko at sumandal sa may sofa. "Sa book shop..." 


"He's my classmate in law school," pagsabi niya sa akin ng totoo. 


I felt something in my heart, but it was not that painful. Nailang akong malamang malapit si Shan sa kaniya. Araw-araw siyang nakikita. Araw-araw siyang nakakasalamuha. It kind of scared me how close he could reach me. 


"But we're not friends. He's nothing to me," pagpapaliwanag niya ulit. 


Tumango ako sa kaniya at uminom ng tubig. Telling the whole story exhausted me a lot. Tumayo ako at tinanggal ang mga gamit sa sofa para makahiga roon dahil nangangawit na ako sa pagkakaupo ko. 

Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon