32

486K 21.5K 72.4K
                                    


"Happy graduation sa cum laude namin! We are so proud of you, Ke!" 


Niyakap ako ni Mommy and Daddy pagkatapos ng speech nila sa mini-stage. May celebration sila sa amin ni Luna. Sabay na kaming nag-celebrate pagkatapos ng graduation. 


Five years in that university. Five years in Architecture. 'Yong college life ko, sobrang daming ups and downs. Sobrang dami kong pinagdaanan. 


I wanted to prove something, not just to him but to myself as well. I studied hard. I worked so hard. I focused on myself and my healing. I did not need him... I can win by myself. I can manage myself. I could do things on my own. 


I still had that spirit. He left me... and broke me, pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang pagmamahal ko. That was his fault. Not mine. That was his loss... not mine. Ni hindi niya ako binigyan ng konkretong paliwanag sa lahat ng nangyari. He told me the truth, but he did not go into details. Hanggang ngayon, marami pa ring tanong na tumatakbo sa isip ko pero wala naman nang saysay sa akin ang hanapin ang mga sagot doon.


Ganoon na, eh. Nangyari na... Tapos na. Simula noong natapos kami, 'yong gabing 'yon, tinapos ko na rin ang natitira kong pag-asa sa kaniya. Ang tanging mahalaga na lang sa akin ay ang sarili ko. 


"I love you, my little flower!" sabi sa akin ni Mommy.


"I love you and Daddy too," sagot ko sa kanila pabalik, nakangiti. 


My family and friends became my support system. Hinihila nila ako pataas kapag binababa ko ang sarili ko. They motivated me to do better. They pushed me to do good things. They inspired me to heal... smile... and laugh again. 


I promised myself I would never want to see that asshole again. My coping mechanism after the breakup was... worse. 


"Ah, tangina niya!" sigaw ako nang sigaw sa kwarto ko habang binabato ang mga unan sa pader sa sobrang inis. It was a month after our breakup. Finals week and I was still so mad about everything. In-unfollow ko siya sa lahat ng social media. Blinock ko ang number niya. Dinelete ko ang photos namin. Wala. Walang bakas ng Shan sa phone ko. 


"Kierra, bakit?!" nagmamadaling pumasok si Luna sa kwarto ko, nag-aalala sa biglaan kong pagsigaw. 


"Wala, naisip ko lang ulit na never niya akong pinakilala sa friends niya! Ang kapal talaga ng mukha niya! Tinago niya talaga ako!" sigaw ko. 


"Punyemas na lalaking 'yon, isang buwan na at ginugulo pa rin ang isipan mo! Nasaan ba 'yon?!" sinuportahan kaagad ako ni Luna sa galit ko. "Ang kapal talaga ng mukha!" 


"Sobrang caring pa niya sa akin dati tapos iba pala ang intensyon niya! Gago talaga!" Pinagbababato ko na naman ang mga unan sa pader. Hinampas ko pa 'yong isa sa kama. Galit na galit ako at magulo na ang buhok ko. "Ang galing niya! Professional na playboy! Grabe!" 


"Oo nga! Hayop na 'yon! Magsama-sama sila!" Tumango si Luna. 


Our Yesterday's Escape (University Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon