CHAPTER 3: Rules

1K 38 49
                                    

Chapter 3: Rules

Wala na akong ginawa kundi kamutin nang kamutin ang ilong ko kanina pa, sumasakit na rin ang ulo ko lalo na at wala pa naman akong dalang gamot o nasal spray man lang.

Sa huli, nadapa na lang ako sa kama ni Josh habang nakapikit. Kung hindi lang sana ako inatake ng allergy, malamang nakaka dalawang round na kami. Bwisit.

Lumabas siya kanina sa kwarto pagkatapos niya akong bigyan ng tubig. Narinig ko rin ang tunog ng vacuum kanina, siguro naglinis siya. Pagkatapos no'n ay narinig ko rin ang pagbubukas at pagsara ng main door. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya bumabalik. Almost ten minutes na.

Siguro kung wala lang bara ang ilong ko ngayon, ineenjoy ko na ang amoy ng kama niya. Malamang kasing amoy lang din niya kanina ang amoy ng mga gamit niya, mabango.

"Bwisiiiittt!" Sigaw ko. Parang si Squidward na tuloy ang boses ko dahil barado ang ilong ko.

Hindi ko na pinansin nang marinig ko ang tunog ng pagbubukas ng pinto ng kwarto. I can sense him walking towards me. Narinig ko ang tunog ng isang paper bag sa likuran ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

Umiling lang ako.

"Uminom ka na ng gamot, 'yan yung binigay sa 'kin ng pharmacist. Sumabay ka na rin sa 'king kumain." Simple niyang sabi bago ko marinig ang yabag ng mga paa niya palayo.

Nang marinig ko na ang pagbubukas at pagsara ng pinto ay tsaka lang ako lumingon doon. Nasa tabi ko ang isang maliit na paper bag at nang tingnan ko ang laman no'n ay antihistamine. Ngumiti na lang ako, more on, ngisi.

Mabait naman pala talaga siya.

Pero hindi dapat 'yon ang ipinapakita niya. Shit, paano kung wala naman pala talaga silang bad side? Anong gagawin naming article?

Tsk, bahala na. Gutom na 'ko, hindi pa ako naghahapunan dahil sa pagmamadaling pumunta dito. Tapos mauuwi lang sa allergic reaction. Pota talaga.

I grabbed the medicine he bought me, also the glass of water that I couldn't finish earlier before going out of his room. Naabutan ko siyang naglalagay ng plato sa maliit na mesa, may paper bag din na nakapatong sa mesa na may tatak na Mang Inasal. Nangangamoy chicken inasal, hmm, ang bango.

"Upo ka na." Kaswal niyang sabi nang makapag lagay na siya ng kutsara at tinidor.

Naupo na lang ako sa silya at pinanood siyang ayusin ang pagkain na binili o inorder niya o kung paano man niya 'yon nakuha. Ibinigay niya sa 'kin ang isang hita ng manok, nilagyan din niya ng calamansi at sili ang toyo. Pagkatapos ay nagsimula na siyang kumain.

"Ininom mo na yung gamot?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Hindi pa... Kakain muna ako." Sagot ko.

Hindi na siya sumagot, ipinagpatuloy lang niya ang pag kain. Kahit na medyo nahihiya ako ay kumain na lang din ako. Nakakapanibago lang kasi.

"Bakit bigla ka na lang umaalis?" Pataray kong tanong.

"Bumili nga ako ng gamot mo." Sagot niya habang may pagkain pa sa bibig. Sa tono ng pananalita niya ay parang may utang na loob pa 'ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka man lang nagsasabi? Pano kung may biglang dumating na kaibigan mo o pamilya mo? Anong sasabihin ko? Friends tayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Oo," simple niyang sagot bago muling sumubo ng kanin.

"Hindi sila ipinanganak kahapon."

"Bakit? Masama bang magkaroon ng babaeng kaibigan? Si Justin nga ang dami-dami babaeng kaibigan, sila ni Stell." Rason pa niya.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now