CHAPTER 40: Blessing

1.1K 36 105
                                    

Chapter 40: Blessing

Pasado alas singko na nang magising si Moon dahil siguro sa pagod sa panonood at paglalaro. Kung hindi pa nga namin siya gigisingin ay hindi pa siya magigising mag isa. Tulog mantika talaga ang batang 'to.

Thanks to Josh, Moon got that habit of him. If not, then we probably won't have our sexy time longer. Ang napag usapan naming quickie ay mas tumagal pa tuloy.

Kinagabihan ay hindi na ako nakapagluto dahil ubos na ang stock ni Josh. Nag pa-deliver na lang tuloy kami. Though he told me that he would be buying groceries tomorrow or the next day if he had time. Balik rehearsal na kasi siya simula bukas para sa natitirang dalawang lugar na pupuntahan nila para sa concert nila.

"Gusto ko sanang ipakilala na kayo kay mama bukas o sa susunod na araw pero hindi ako sigurado sa sched ko. Para naman pwede nila kayong puntahan dito or kayo yung pupunta sa unit nila since dito lang din naman sila." Mahina niyang sabi habang tinatapik ang balakang ni Moon na nakayakap sa kaniya ngayon at tulog na.

"Ayos lang naman kami ni Moon dito." Sagot ko.

He sighed. "Kaya lang kasi maaga akong aalis tuwing umaga tapos baka hating gabi na akong makabalik. Wala kayong kasama dito buong araw." Alala niyang sabi.

"Safe naman kami ni Moon dito eh. Hindi naman sa ayaw ko pa siyang ipakilala sa pamilya mo pero wag mong i-pressure yung sarili mo. Marami pang oras, hmm?" I pinched his cheek while smiling, ngumiti rin siya pabalik. "I love you. Goodnight. Tulog na tayo, maaga ka pa bukas."

"Goodnight, mahal." Ako na ang lumapit sa kaniya para halikan siya sa labi. "I love you too." He replied.

Lumapit ako kay Moon at inabot na rin ni Josh ang bewang ko. I let Josh cage us with his strong arms and drifted myself to sleep.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising, kaya nang bumangon siya ay bumangon na rin ako. While he was busy preparing himself, I cooked food for breakfast. Ginisa ko na lang yung natitirang corned beef sa sibuyas.

"Oh, nagluto ka pala. Mag oorder pa lang sana ako para sa inyo." Aniya nang makalabas na siya sa kwarto. He's wearing an oversized t-shirt and sweatpants. His hair's still wet and slicked back. Ang gwapo niya talaga sa hairstyle niyang 'yon.

I just smiled. "Kain ka na muna,"

Pinaupo ko na lang siya sa silya at ako na ang nag ayos ng makakain niya. Binigyan ko na rin siya ng tubig at fruit slices, alam ko namang kumakain talaga siya ng prutas tuwing umaga, gaya na lang noon.

"Oo nga pala, sinabihan ko si mama na pumunta dito. Hindi ko alam kung isasama niya si ate." Balita niya sa 'kin habang kumakain.

"Ha? Bakit? Eh aalis ka?" Sunod-sunod kong tanong. Medyo kinabahan naman ako do'n.

"Maaga pa naman. Eight pa ako aalis. Maya-maya nandito na rin 'yon." Sagot niya. "Wag kang mag alala, matutuwa 'yon si mama lalo na kay Moon. Atleast may kasama na kayong dalawa dito habang wala ako." He assured me.

I sighed and nodded. I'm feeling nervous now. What should I say? How do I explain myself?

"Trish,"

Napalingon ako sa kaniya nang ipatong niya ang palad niya sa kamay ko kasabay ng pagtawag sa 'kin.

"H-Ha?"

He held my hand tighter. "Wag kang kabahan. Naiintindihan nila tayo." Nakangiti niyang saad. Itinapat niya sa bibig ko ang kutsarang may lamang pagkain tsaka siya ngumanga. "Ahh,"

Napangiti na lang ako at natawa na rin nang mahina bago ko iyon isubo. Hindi ko na nagawang alisin ang tingin ko sa kaniya. Pinunasan pa niya ang gilid ng labi ko bago muling sumubo. Kung kanina ay bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, mas bumilis naman ang tibok no'n ngayon dahil sa kilig.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now