CHAPTER 35: Papa

1.1K 48 136
                                    

Chapter 35: Papa

Third Person's Point of View

Moon ran away from her mom knowing that she would get scolded later on. She's feeling nervous and sad whenever her mom is mad. But she faced her fear of being scolded just to find her papa immediately. My mama needs help.

She ran while taking short glances at her mom, Trish, who's trying to follow her while calling her name. She on the other hand kept running and didn't look back this time. Nakikita niya na nahihirapan na ang mama niya at nagsisinungaling lang ito. Her mom needs help and if she won't do anything, no one would, and her mom might get in danger. I only have my mama...

Umiiyak ang munting paslit habang paulit-ulit na binabanggit ang iisang salita, papa. Basang basa na ang pisngi nito at sinisinok pa habang lumilinga-linga sa paligid. She's trying to ask for help from other people to look for her papa.

My papa is famous. I'm sure people know my papa.

She came back from the convention center where she and her mom went earlier, this is where the concert was held. Hindi gaya kanina ay kaunti na lang ang mga tao na narito, bilang na lang sa daliri. Tahimik na rin ang paligid at tanging mga ugong ng sasakyan na paminsan-minsang dumadaan na lamang ang maririnig. It's getting late.

"Papa... Papa..." She mumbled.

Tila ba isa siyang batang nawawala kung titingnan. Well, she is at the moment. Naaalala pa naman niya ang daan pabalik sa mama niya kahit papaano.

When she saw those two girls walking while talking, she quickly approached them. May hawak ang mga ito na gaya ng mga pailaw na nasa loob ng concert na pinuntahan nila kanina kaya malamang ay kilala ng mga ito ang papa niya.

"Ate? Ate, c-can you help me, please?" She pouted.

Nilingon agad siya ng dalawa. Gaya ng ibang tao ay nakuha agad niya ang atensyon nito sa pamamagitan lang ng mga mata niya. Her eyes were too beautiful to resist.

"Aww, naliligaw ka ba? Anong pangalan mo?" Tanong agad ng babaeng may suot na bucket hat.

"Moon po." She answered while sobbing. "Can you help me find my papa, p-please?" She asked once again.

"Papa mo?" Sandali itong nag isip habang nakatingin sa kasama na maiksi ang buhok. "Ano bang pangalan ng papa mo?"

Natahimik siya saglit at nag isip nang mabuti. Her mama told her not to tell anyone her papa's name, but her mama needs her papa's help immediately. What is she going to do? Ayaw niyang mapagalitan ngunit ayaw niya rin namang mapahamak ang mama niya.

She gulped before answering. "J-Josh po," she said unsurely.

"Josh? Anong apelyido, bebe?" The girl with a bucket hat asked again.

Mama will be mad at me... But... we need papa's help. I'm sorry, mama ko.

"Josh Cullen Santos po." She answered. Sorry, mama ko... Baby Moon is bad. It's okay if you scold me.

It was like the two girls were taken aback by her answer. Parehong kumunot ang noo ng dalawa at nagkatinginan pa.

"Josh Cullen Santos?" Ulit ng babae.

She nodded. "Opo,"

The short-haired girl scratched her head. "Si ssob?" Taka nitong tanong.

"Baka kapangalan lang. Maraming Josh Cullen Santos sa mundo 'no, hindi lang naman si ssob." Sagot naman ng kasama nito bago siya nito muling lingunin. "Ah, bebe Moon, ano bang itsura ng papa mo? Siya ba yung kasama mong pumunta dito kanina? Saan ka ba nanggaling? Nanood ka ba ng concert?" Sunod-sunod na tanong nito.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now