CHAPTER 11: Bias

1.6K 33 95
                                    

⚠️

Chapter 11: Bias

Gaya ng sinabi niya, pagkatapos ng concert ay pumunta na ako sa parking na sinabi niya sa 'kin kanina. Nag picture at nag video naman muna ako saglit sa loob ng venue bago tuluyang umalis.

He told me the exact location where he parked his car. Hindi muna ako doon tumabi dahil may mga tao pa sa paligid, baka magtaka sila at isipin na obsessed fan ako.

Hindi na kami sabay ni Lara sa paglabas dahil nauna na siyang umuwi, malayo pa raw kasi ang uuwian niya. Hindi na nga kami nagkita pagkatapos ng concert eh.

Inaasahan ko nang medyo magtatagal si Josh dahil may mga aasikasuhin pa siya sa backstage. Kaya nagpatong ako ng tissue sa damo dito sa harap ng mga sasakyan at doon naupo habang naghihintay. Nagugutom na 'ko, hindi pa ako naghahapunan.

Ibinaba ko ang isang pirasong rosas na binili ko kanina nang makalabas na ako sa venue. Nakita ko kasi na binigyan silang lima kanina ng bulaklak bilang pag congrats siguro, kaya naisip ko na bumili rin para i-congrats si Josh.

I sighed while looking around. Paunti na nang paunti ang mga tao sa paligid, ganon din ang mga sasakyan na nakaparada dito. Hanggang sa mag isa na lang ang kotse ni Josh sa linyang 'to. Almost eight o eight mismo ata natapos ang concert kaya gutom na talaga ako. Nang tingnan ko ang oras ay 8:30 na. Naiinip na 'ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag send ng chat kay Josh, asking where is he, also complaining that I'm bored and hungry already. Pagkatapos ay ibinalik ko na rin iyon sa bag ko at luminga lang ulit sa paligid.

Nang mapatingin ako sa kanan ko ay nakita ko ang anino ng isang taong naglalakad palapit dito. Nang makita ko ang suot niyang sweatpants, baggy jacket, cap at facemask ay tumayo na agad ako. Kinuha ko rin ang inupuan kong tissue at ibinulsa iyon.

Nagmamadali siya sa paglakakad dahil halata 'yon sa bawat hakbang niya. Ngumiti agad ako at sinalubong siya ng yakap, yumakap din naman siya sa bewang ko.

"Congrats. Galing mo kanina." Masaya kong bati sa kaniya.

"Thank you." He replied while lightly tapping my back.

When we loosened our hug, I gave him the piece of red rose that I bought earlier. Nagtataka naman niya akong tiningnan.

"Para saan 'to?" Tanong niya.

"Wala, trip ko lang." Sagot ko.

He chuckled and that made his eyes smile. He tucked my hair behind my ear, making me stare at him with my parted lips. I also gulped because of the sudden loud and fast beating of my heart.

"Thanks." Ibinaba niya ng kaunti ang zipper ng jacket niya. "Buti hindi ka na nakasimangot kanina."

I pulled myself together. My lips formed a thin line before sighing. "Kilala ko na kayo ngayon eh." Rason ko na lang.

He nodded. "Tara, gutom na 'ko." Reklamo niya bago ako akbayan.

"Saan ka kakain? Wala ba kayong after party?" Tanong ko.

"Sa condo na, oorder na lang ako. Tsaka wala kaming party party, minsan lang."

Tumango na lang ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad.

"Josh!"

Nanlaki ang mga mata ko at huminto ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses na nagmumula sa likuran namin. Pinaharap ko doon si Josh at nagtago ako sa likod niya dahil sa kaba at pag papanic.

"May nakalimutan ka."

Sumisilip ako sa braso niya habang nakahawak sa likod ng jacket niya. Akala ko si Stell lang, kasama pala niya si Justin! Shet!

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora