CHAPTER 9: Comfort

1.1K 38 51
                                    

Chapter 9: Comfort

Nagluto ng pansit si Mama dahil with honors si Patrick ngayong second year bilang pag cecelebrate ng achievement niya. Maloko at mahilig maglaro sa PC si Patrick pero nakikita ko naman na maayos siya pagdating sa pag aaral.

"Tsaka yung anak nung kapitbahay natin do'n sa kanto, si Maricel? Kilala mo ba 'yon?"

Tumango si Mama. "Oo, anong meron sa anak niya?"

"Aba eh ayon, graduate ng nurse. Tanungin mo anong trabaho, call center!" Malakas niyang sabi bago siya tumawa habang pumalakpak pa. Sumubo muna siya ng pansit bago muling itinuloy ang chismis. "Aba keyabang yabang niyan noon kasi napagtapos ng nursing eh wala rin naman pala! Palpak!" Natatawa nitong sabi.

Napairap na lang ako pagkatapos kong maglapag ng isang pitsel ng malamig na juice at patong-patong na stainless na baso sa mesa. Ang ingay talaga nitong si Aling Tina. Bakit ba naman kasi siya nandito eh hindi naman siya invited? Dapat nga sa aming pamilya lang yung pansit eh, hindi naman kami nag iimbita.

"Maayos na trabaho pa rin naman yung call center, malaki ang kita do'n." Sagot naman ni Mama. Buti pa si Mama nakakatagal sa kaniya. Wala kasi akong pasensya sa mga ganiyang klase ng tao.

"Aba eh mataas nga ang sweldo, eh saan naman nila magagamit yung tinapos nila aber? Edi sana hindi na nagtapos ng college at nag call center na lang! Alam mo kasi kumare, 'yang mga nag ca-call center na 'yan, sila yung mga walang choice sa trabaho kasi hindi natatanggap, hindi nakapag tapos, yung mga kumbaga low class lang." Tumataas pa talaga ang kilay niya at ngumingiwi. Kung makapagsalita siya akala mong hindi niya alam na nag cacall center ako dati. Nananadya ata 'tong gurang na 'to eh.

"Buti pa yung panganay ko, si Cristine? Ayon, nasa abroad na, kumikita ng pipti tawsan kada buwan." Pagmamayabang niya.

"Ano bang trabaho ng anak mo do'n?" Tanong ni Mama.

"Aba, siya ang tunay na nurse." Mayabang niyang sagot.

I scoffed then shook my head, mabuti na lang at nasa kusina ako, hindi niya ako makikita. Kung alam niya lang na kanina ko pa siya gustong paalisin.

Last time I checked, caregiver ang trabaho ng anak niyang 'yon at hindi nurse. Magkaiba 'yon. May mga chismis nga rin akong naririnig na natanggal na daw ang anak niya sa trabaho at nag jajanitress na lang sa ospital. I mean, it's a decent job. It's just her Mom that is so boastful.

Pagkatapos ng ilang minuto pa niyang pang chichismis at pagyayabang ay sa wakas, umalis na rin siya. Matatahimik na rin ang bahay.

"Teka, sige, mauna na 'ko ah? May niluluto kasi ako." Rinig kong paalam ni Mama. "Tricia! Yung isinupot ko diyan ibigay mo kay Tina!" Sigaw ni Mama.

Kinuha ko ang isang supot ng pansit na nasa lamesa para ibigay sa kaniya. Hindi pa nakuntento sa kinain kanina may pa-take home pa. Tsk. Partida siya pa ang humingi niyan.

"Ano ba 'yan, ang tagal naman." Rinig kong mahina niyang reklamo habang nagkakamot pa ng ulo.

Nang malapitan ko na siya ay ngumiti agad siya at umakto na parang mabait, pero hindi ako plastic kagaya niya kaya hindi ko siya nginitian.

Aabutin na sana niya ang pansit sa kamay ko pero nilayo ko iyon sa kaniya. Kinunotan niya ako ng noo dahil doon.

"Kahit anong trabahong legal, mababa man o mataas ang sweldo, trabaho pa rin ho 'yon. Ang mahalaga, wala kaming natatapakan at sinasaktan na ibang tao." Kaswal kong sabi sa normal na boses. "Wag niyong minamaliit ang pagiging call center agent. Twenty thousand ang sweldo ko noon kada buwan. Eh kayo? Mataas po ba ang sweldo ng pagiging laiterang chismosa?" Tuloy-tuloy kong sabi.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now