CHAPTER 14: Red Knot

1.6K 30 117
                                    

⚠️

Chapter 14: Red Knot

"Hindi mo talaga kaibigan 'yon 'no?"

Nginiwian ko si Mama. "Tss, issue na naman kayo."

Mahina siyang natawa. "Hindi ka nagpapapunta ng kaibigan mo dito kahit noong bata ka pa. Paano kami maniniwalang kaibigan mo lang 'yon?"

Natahimik ako, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil totoo naman ang sinabi ni Mama. Hindi ko naman din pinapunta si Josh dito eh, siya ang kusang pumunta dito! I mean, hinanap niya yung bahay namin...

Tinapik niya ang likod ko. "Ayos lang 'yan, hindi ka naman na bata, alam mo na ang tama at mali. Basta, wag mo pa rin kakalimutan yung mga priority mo. Tanda mo na nga eh, wala ka pa ring boyfriend. Sa edad mong 'yan dapat kasal at may anak ka na."

"Hmp!" Reklamo ko. "Ayoko pa nga eh. Desisyon kayo."

Pumunta na lang ako sa kusina para maghugas ng pinggan at para na rin makaiwas sa kadaldalan ni Mama. Siguradong hindi lang siya ang makakapansin no'n kundi pati si Papa at Patrick.

Sa kalagitnaan ng paghuhugas ng pinggan ay napapangiti na lang ako habang inaalala ang mga pangyayari kanina bago umalis si Josh. Pumikit ako, yumuko, at umiling. I unconsciously licked my lips and smiled with my teeth showing this time. Shit ka, Tricia. Baliw!

Pagkatapos ng lahat ng gawain ko dito sa bahay ay nahiga na ako para magpahinga. When I opened my mobile data, I received Josh's chat.

Typhoon Josh Signal no. 69
Dito na ko sa condo

I smiled while typing.

Me
Okay

Typhoon Josh Signal no. 69
Sa studio lang ako buong araw bukas

Me
Dito lang ako buong araw bukas

Typhoon Josh Signal no. 69
Ge

Tulog na ko maaga pa ko bukas

Me
Okay

Goodnight

Typhoon Josh Signal no. 69
Goodnight, Trish.

I smiled as I reacted heart on his last message. Pinatay ko na ang cellphone ko tsaka ako tumingin sa kawalan.

"Wala pa rin bang update sa pinapagawa ko sa'yo?"

"Unfortunately, wala pa rin po, ma'am. Pasensya na."

"Tricia, kailangan na nating mag lapag ng magandang articles na bubulabugin ng internet. Hindi naman sa pinepressure kita pero please, pwedeng paki bilisan?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko, napakagat din ako sa ibaba kong labi nang maalala ang naging usapan namin noon ni ma'am Sisa. Natatagalan na siya, at siguradong nagtataka na rin siya dahil halos isang buwan na ang lumilipas pero wala pa rin akong report na maibigay sa kaniya.

I mean, meron naman akong mairereport sa kaniya. I could report some things and make it as an article. But I choose not to.

Hindi ko alam... Hindi ko ata kaya, hindi kaya ng konsensya ko. Josh, he's been good with me. Wala siyang masamang ginagawa o anumang labag sa kalooban ko at ng ibang tao. He's kind, they are all kind to me. At ang paglabas ng kaisa-isang maliit na baho nila ay makakasira sa career nila at sa kung ano mang relasyon na meron kami.

Just to think of Josh and his friends being mad at me makes me wanna back out with this plan already. Ayokong masira ang relasyon namin pero ayaw ko rin namang mawalan ng trabaho.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora