CHAPTER 4: Toys

1.3K 41 170
                                    

⚠️: nasabi ko na uulitin ko ulit. This story has a lot of mature scenes that might confuse some of the readers specially ages 13 and below, kung meron man. Read at your own risk. Because losing your innocence after reading a certain part is your own responsibility.

Chapter 4: Toys

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Rey nung nakaraan ay hindi na ulit niya ako nilalapitan basta basta. Kakausapin niya lang ako kung work related, at malaking ginhawa 'yon para sa 'kin, nabawasan ng asungot.

Ngayon, si Lara naman ang parati niyang kausap at kasama. Lara and I still talk sometimes, lalo na pag wala na siyang makausap at ako lang ang nakikita niyang may spare time.

It's been almost a week since Josh and I met at the parking lot. Pagkatapos no'n ay hindi na ulit kami nakakapag kita o nag chachat man lang. Baka nga busy pa siya as of now. Ang sabi naman niya sa 'kin babawi siya next week eh. At ang next week na 'yon ay this week na.

"Uhm, Tricia," tawag sa 'kin ni Marc.

"Hmm?" Naka ngiti kong tugon. "Tapos ka na sa article?"

"A-Ah, hindi pa. Ano..." Nahihiya siyang umiwas ng tingin at bahagyang yumuko. Kalaunan ay muli niya akong tiningnan. "Nag kakape ka ba?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo, bakit?"

Bahagya niya akong nginitian bago niya kunin ang isang cup ng kape mula sa table niya. Maingat niya iyong inabot sa 'kin ng may ngiti.

"Kape oh." Alok niya.

I smiled back at him. "Uy, thank you." Maingat kong tinanggap ang kape. "Nag abala ka pa."

Nahihiya lang siyang tumango. "Ayos lang."

Tumikim na agad ako ng kaunti, mainit pa pala. "Masarap ah. Sana mo 'to nabili?" Tanong ko.

His eyes sparkled. "Doon lang sa tabi ng pharmacy sa baba. Subukan mo do'n pag may time ka. Masarap din yung dessert nila do'n lalo na yung cake." Sagot niya.

Tumango na lang ako. "Sige, try ko sa susunod. Salamat ulit."

Bahagya siyang yumuko bago umayos ng upo. I just chuckled a bit before fixing my seating position. I noticed him drinking the same coffee that he gave me.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi kakaiba ang mga kinikilos ni Marc lately. I mean, he's always shy and polite while talking but that's not the case. Minsan ay binibigyan niya ako ng mga pagkain gaya ng simpleng kape o tinapay. At naalala ko rin nung nakaraan, humiram ako sa kaniya ng ballpen at hindi na niya iyon ipinabalik. Sa akin na lang daw.

Hindi naman sa nag fefeeling ako pero pakiramdam ko, may gusto 'to sa 'kin. Sorry na lang kasi hindi siya yung tipo ko sa mga lalaki. Oo, mabait siya, masipag, cute, pero hindi gaya niya ang mga tipo ko sa lalaki. I want someone who has a strong aura that could dominate me, but also has a cute side that he would only show to me.

Saan kaya ako makakahanap ng ganong klase ng lalaki?

I just found myself watching SB19's interviews if I have time. I'm trying to get to know him by watching their random videos. From interviews, to his and their vlogs, to their music videos, even their commercials and advertisements.

Hindi lang siya kundi pati na rin ang iba niyang mga ka-membro ay nakikilala ko na rin. I think it's very understandable why they have lots of fans. They are entertaining, maganda ang musika na ginagawa nila, they are inspirational, and they are fun to watch. Parang mga tropa tropa lang.

Their group is well balanced. Magkakaiba sila ng personalidad pero dahil doon ay nagagawa nilang buhatin ang grupo at punan ang pagkukulang ng bawat isa. Masasabi ko na walang tapon sa grupo nila. They are worth to stan.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now