CHAPTER 33: Moon

784 42 133
                                    

Chapter 33: Moon

I never felt this kind of pain in my life before. Pakiramdam ko ay winawasak ang buong katauhan ko. Hindi ko na mapigilang umiyak at umungol dahil sa sakit na bumabalot sa katawan ko.

Hindi ko naman alam na ang mga nakaraang pananakit ng tiyan ko ay pag-lalabor na pala. At hindi ko rin alam kung bakit nanganak ako ng maaga. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang kaligtasan ng anak ko.

Kasabay ng pagrereklamo ko ay ang pagiging aligaga naman ng doktor at ng mga kasama niya. I heard them say that my water broke already and the baby is about to come out. They did some things with my body before telling me to push.

Mahigpit akong kumapit sa gilid ng kinahihigaan ko ngayon at pilit ba umiri nang walang ingay. Ngunit nang makaramdam ng kakaibang sakit ay huminto rin ako.

"Push, Tricia. Kaya mo 'yan." The doctor told me.

"Ang s-sakit," iyak ko.

Some of the girls went on my side and tried to help me by cheering me up and whispering some words of encouragement. They also let me hold their hands while I'm trying my best to push.

I tried pushing for the second time and my voice cracked as I attempted to stop myself from screaming.

"The head is out! Kaunti na lang!"

The girls beside me told me to breathe properly and that's what I did. Hindi ko na alintana ang pawis na tumatagaktak sa buong muka at leeg ko. At nang sabihin ng doktor na umiri muli ako ay ibinigay ko na ang lahat ng lakas ko.

"One more push, mommy! Isa na lang." The doctor said.

And before I even give up, I pushed for the last time. Halos mawalan na ako ng hininga at ng malay dahil sa pinaghalong sakit at pagod.

"The baby is out. I need assistance!"

Nagmulat agad ako ng mga mata at huminga ng malalim. Sa wakas, nakalabas na rin siya. My baby... I can't wait to feel you in my arms.

Sinundan ko lang sila ng tingin hmat pinanood ang ginagawa sa baby ko na hanggang ngayon ay hinihintay ko pa ring umiyak. Nakaramdam na ako ng nerbiyos dahil doon.

"Dok? Okay lang po ba ang baby ko?" Paos kong tanong.

"Magiging okay lang si baby, mommy. Kailangan lang natin ng extra care and monitoring." The doctor managed to answer me amidst of being uneasy.

Napuno ng pag aalala ang katauhan ko sa bawat segundong lumilipas na hindi ko pa rin naririnig ang pag iyak ng anak ko. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagtapik ng kamay ng doktor sa likod ng sanggol para umiyak ito. Napalunok na lang ako.

Ang ilan sa kanila ay sinimulan na akong asikasuhin. I patiently waited for my baby while I get cleaned up and stitched.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang tunog ng pag iyak ng isang sanggol. Nakahinga agad ako nang maluwag at unti-unti nang nawala ang kaba na kanina ko pa nararamdaman.

I also heard the doctor sighed in relief. "Finally."

Nilinisan muna saglit si baby bago ito tuluyang buhatin ng doktor at dalhin sa akin. Kanina pa ako nasasabik na makita at mahawakan siya. Sa sobrang tagal mong nabubuo sa tiyan ko, sa wakas ay nagkita na rin tayo, anak ko.

Maingat kong tinanggap ang sanggol nang maibaba na siya ng doktor sa dibdib ko. Umiiyak pa rin siya habang gumagalaw ang mga kamay at paa. A line tear escaped my right eye as I stared at my baby. The pain was worth it when I finally held my first born. Kakaiba sa pakiramdam. Sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon