CHAPTER 23: Single Mom

981 36 246
                                    

Enjoyyy mga mani 🥜 chor.

Chapter 23: Single Mom

I've been scrolling on different sites to find a part-time job since I don't think my savings would last until I give birth. Simpleng trabaho lang naman, yung hindi ako madaling mapapagod at mai-stress. Gaya na lang siguro ng pagiging cashier sa mga mall o fast food restaurants.

I've been applying online since yesterday. Sana matanggap naman ako kahit papaano. Ang hirap kasing isipin araw-araw kung paano ko pagkakasyahin ang pera ko sa mga susunod pa na linggo at buwan. Isa pa, nagpapadala pa rin naman ako kina Patrick kahit papaano. May pasok na naman kasi siya.

Si Marc, he's visiting me once or twice a week. Ni-minsan ay hindi niya ako binisita nang wala siyang dalang kahit ano. Lagi siyang may pasalubong na pagkain, lalo na ang cravings ko ngayon na fishball at kikiam. I'm so thankful for him, really. He's a great guy. A great tito to my baby.

Kasalukuyan akong kumakain ng kikiam na isinasawsaw ko sa homemade sauce na ginawa rin ni Marc bilang midnight snack. He went here yesterday, mabuti na lang at hindi iyon napanis sa cooler.

Kumurap ako ng ilang beses nang mag vibrate ang cellphone ko kasabay ng pag pop up ng caller ID ni Stell. Napaayos tuloy ako bigla ng upo.

Nagdadalawang isip ko iyong sinagot at itinapat sa tenga ko. "H-Hello?"

[Uy, hello, Trish! Kamusta? Tagal na nung huli kitang nakita.] Kahit kailan, masaya talaga lagi ang tono niya.

"Ayos lang naman. Ikaw? Kayo?"

[Ayos lang din. Uhm, sorry pala sa pagtawag sa ganitong oras ah? May tanong lang sana ako. Alam mo ba kung asan si Josh? Or magkasama ba kayo?] Sunod-sunod niyang sabi.

I frowned. "Ahh, h-hindi eh. Bakit?"

[Ahh, ganon ba. Hindi kasi siya sumasagot sa mga text at tawag namin, kahapon pa. Pati sa manager namin, hindi siya sumasagot. Pag pinupuntahan namin sa condo niya, wala rin. Nag aalala lang kami, baka kung saan-saan na nag suot yun.] Paliwanag niya.

Humawak ako sa tiyan kong may kaliitang umbok. Muka lang akong bloated sa ngayon since dalawang buwan pa lang naman ang tiyan ko.

I felt nervous and worried for him. Saan ba siya nagpunta? Anong balak niya? Ano namang ginagawa niya?

"Ganon ba? Pasensya na ah, matagal na rin kasi nung huli kaming nagkita."

[Hindi ba niya nasabi sa'yo kung saan siya pumunta?]

Mukang hindi nila alam na hindi na kami nag uusap.

"Hindi eh, pasensya na talaga ah?"

[Sige, okay lang 'yon. Balitaan na lang kita pag na-contact na namin siya. Salamat.]

"Salamat din. Sasabihan ko rin kayo kung sakaling sumagot siya sa 'kin."

[Okay. Thank you! Babye!]

"Babye."

Malalim akong napaisip nang ibaba ko na ang tawag. Asan kaya si Josh at anong trip niya sa buhay? Sana naman sinabihan man lang niya yung isa sa mga kagrupo niya para hindi sila nag aalala sa kaniya 'di ba?

Tila ba nasagot ang mga katanungan ko nang mag vibrate na naman ang cellphone ko. At this time, pangalan na ni Josh ang lumabas.

I gulped hard while staring at his caller ID. It's been a while since we talked. I'm having second thoughts but my mind tells me to answer it. Nag aalala ka kay Josh 'di ba? Then answer the fucking call, Trish.

I sighed heavily before answering the call. Nanginginig ang mga kamay kong itinapat sa tenga ko ang speaker.

[Trish? Tricia?] Halata ang pagkasabik sa boses niya. Huminga pa siya ng malalim. [Akala ko hindi ka na naman sasagot.]

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang