CHAPTER 41: Out

1K 37 114
                                    

Chapter 41: Out

Iniwan muna namin si Moon kina tita bago kami pumunta sa kulungan. At first, Moon doesn't want to let us go not until Josh told him that we would buy her foods and candies that she loves. Mag go-grocery na rin kami saglit.

Ayaw pa nga sana kaming paalisin nina mama kanina sa bahay dahil gusto pa nila kaming makausap pero marami pa kasing gagawin si Josh at kailangan pa niyang magpahinga dahil balik rehearsal na naman sila bukas. Sobrang hardworking naman ng mahal ko.

Nang makarating na kami sa kulungan ay nagdalawang isip pa akong pumasok. Not because I'm scared, afraid, or something, but because I feel uneasy whenever I'm in this kind of place. It looks pretty nasty here too.

I composed myself first before we finally entered. I don't feel any fear or worry to see her. Bakit naman ako kakabahan? She's nothing but a loser. She wasted her life just because of her crazy delusions.

Iba't ibang klase ng mga tao ang nakita ko sa lahat ng nadaanan namin. Ang iba ay masama ang tingin samin, ang iba naman ay walang pakialam. I also saw some of the inmates sewing with the sewing machine.

Nang makarating na kami sa visiting area ay may ilang preso rito na may bisita rin. It's actually my first time entering this kind of place so I'm pretty ignorant about my surroundings.

"Okay ka lang?" Concerned na tanong ni Josh habang gumagalaw ang hinlalaki niyang daliri sa ibabaw ng kamay ko.

I nodded. "Ayos lang. Ikaw?"

"I'm good,"

Nginitian ko na lang siya at ngumiti rin naman siya pabalik. Ipinaikot niya ang braso niya sa bewang ko this time at ipinatong ko naman ang kamay ko sa binti niya.

'Di nagtagal ay bumukas na ulit ang pinto kung saan nanggagaling ang mga preso. Seryoso ang tingin ko nang makita si Lara na nakaposas at iginigiya ng isang pulis palapit sa pwesto namin. Bahagya rin siyang nakayuko at masama ang tingin.

Pinaupo na siya ng pulis sa silya sa harapan namin. Nagpasalamat muna kami sa pulis bago ito tuluyang umalis.

Lara didn't look at us nor spoke. She looks miserable. Not even an inch near from the Lara that I've met before. Walang kabuhay buhay ang itsura niya.

Umayos ako ng upo bago nagsalita. "Lara," tawag ko sa pangalan niya.

"Anong kailangan niyo?" Walang gana niyang tanong. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya sa akin at tiningnan niya kami nang masama. "Nakakulong na nga ako 'di ba? Ano pang gusto niyong gawin?" Irita niyang tanong.

I didn't plan to be a bitch in front of her earlier, but she provoked me. So I fixed my seat again and looked at her with a proud face while smirking.

"Not much, I just want to see you suffering." Mapang inis kong sabi.

"Atleast you suffered first." Nakangisi rin niyang sabi.

"But you will suffer forever," agad kong sagot. "While I will live my life to the fullest. Masaya, nagmamahal, minamahal. Eh ikaw?"

She clenched her jaw in annoyance. "You're fucking wasting my time."

Hinawakan ko ang braso niya para ibalik muli siya sa pagkakaupo nang akmang aalis na siya.

"Hindi pa ako tapos, wag kang pikon." Pamumwisit ko pa.

She pulled her arms away harshly. Hinaplos naman ni Josh ang braso ko para pakalmahin ako.

"So... Was it fulfilling? Sa apat na taon na paghihirap ko dahil sa'yo at dahil sa kuya mo, sumaya ka ba? As far as I know, you liked Josh too much, at isa rin 'yon sa mga naging dahilan kung bakit mo kami pilit na pinaghihiwalay noon, 'di ba?" I raised an eyebrow. "Naging kayo ba nung nawala ako? Pinili ka ba niya nung nawala ako? Minahal ka ba niya nung nalayo ako sa kaniya?" I shook my head. "Hindi. Sinayang mo lang ang oras mo, ang effort mo, at ang buhay mo para sa mga delusyon mo sa buhay.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now