CHAPTER 24: Parcel

802 36 114
                                    

Chapter 24: Parcel

"Hoy?! Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka natutulog?!"

Nagising ang diwa ko dahil sa lakas ng boses ni Ateng Tere. Napabalikwas ako ng tayo nang maramdaman ang paghampas niya ng pamaypay niya sa likod ko. Inihilamos ko ang kamay ko sa muka ko at pilit na ginising ang sarili ko.

"Ayan yung mga hugasin, tambak na!" Turo niya sa lababo. "Wala nang gagamitin yung mga customer ko! Maghugas ka na! Nagpahinga lang ako saglit, tatamad tamad ka na! Bilisan mo!" Sunod-sunod niyang sigaw.

Bahagya na lang akong yumuko dahil sa kahihiyan. Sa sobrang lakas kasi ng boses niya ay pati ang iba kong katrabaho at ibang customer ay napapatingin na sa gawi namin. I really hate the feeling of gaining attention to lots of unknown people. I feel uncomfortable.

Nagmamadali kong hinugasan ang mga pinggan na nakatambak. Mabuti na lang at hindi ako nahulog sa sahig nang mawalan ako ng malay kanina. I don't want to cause any trouble.

"Shit!"

Mahina akong napamura nang madulas sa kamay ko ang isang babasaging mangkok dahilan para mabasag iyon. Mabilis ko iyong pinulot at pinagsamasama.

"Ano 'yan?!"

I sighed heavily when I heard her voice. Tangina, mukang hindi pa ata ako tatagal dito ah.

"Ay, deputa! Nanira ka pa talaga!" Sigaw niya habang tinutuktukan ng pamaypay ang ulo ko. "Letse! Unang araw mo pa lang, gumagawa ka na ng katangahan! Linisin mo 'yan! Bilisan mo!" Inis niyang sigaw.

Patago kong pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko habang pinagsamasama ang nabasag na mangkok. Nakayuko akong naglalakad upang itago ang basa kong pisngi dahil sa luha. I don't want to look weak, but I can't control my emotions. Kusa na lang akong napapaluha dahil sa pinaghalong inis at hiya. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

"Oh, eh anong iniiyak-iyak mo diyan?! Ikaw na nga ang nanira ikaw pa ang may ganang umiyak?! Bilisan mo!"

I felt humiliated, but I must endure it. Itinatak ko na lang sa isip ko na hindi lang para sa 'kin ang ginagawa ko, kundi para na rin sa anak ko. Kung noon ay lagi akong nag dodoble kayod, ngayon ay kailangan ko pang triplehin.

"Bilis! Tutulog tulog kasi! Ang tamad tamad! Hindi pwede ang mga tamad dito!" Sigaw niya habang pinapanood ang paghuhugas ko ng mga pinggan. "Ingatan mo 'yang mga gamit ko! Wala kang pambayad diyan! Iniimbyerna mo 'ko!" Aniya habang nakaduro sa sentido ko.

Kung dati, malamang ay kanina ko pa siya sinagot at nilabanan. Pero ngayong wala akong ibang choice sa trabaho, kailangan kong magtiis. Kailangan kong tiisin kahit anong pananakit pa, sa salita man o pisikal.

While I was doing the dishes, I felt someone approaching me.

"Uy, ayos ka lang?" Concerned na tanong ni Carla.

I nodded without speaking.

"Sorry ah... Kanina pa kasi kita sinusubukang gisingin pero parang malalim yung tulog mo." She apologized. "B-Buntis ka 'no?"

I stopped rinsing the dishes for a second before continuing.

"Ahm, nakita kasi kita kanina na naduduwal kaya 'yon yung unang pumasok sa isip ko." Tinapik niya ang balikat ko. "Single mom ako kaya naiintindihan kita. Hindi kita iju-judge. Nakaka relate ako sa'yo, sa totoo lang. Lahat talaga titiisin para sa anak." She sighed heavily. "Mag ingat ka lang minsan ah? Mukang nasa first trimester ka pa lang, prone ka pa sa miscarriage. Tsaka payo ko lang sa'yo, kung may makita kang ibang trabaho, lumipat ka na lang. Medyo masama kasi talaga ang ugali niyang si Ate Tere. Tinitiis ko lang para may extra income. Papasok na kasi sa school yung anak ko." Kwento niya.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora