CHAPTER 27: Threat

799 32 90
                                    

Chapter 27: Threat

Magpupumiglas sana ako nang makita ko ang pocket knife na nakatutok sa akin. Nakatago iyon sa jacket niya at tanging kaming dalawa lang ang nakakakita. Hinawakan niya rin ako sa likod kaya hindi ko na nagawang lumaban. He's pointing the knife on my belly and I don't want to risk it...

Sumabay ako sa paglakad niya palabas ng talyer. Kahit na gusto kong umatras o sumigaw ay hindi ko magawa dahil natatakot ako na bigla na lang niyang itarak sa tiyan ko ang hawak niyang kutsilyo. Naiiyak na lang ako sa takot habang sumusunod sa kaniya. I don't know this man. I don't recognize his eyes, even his voice.

"Wag kang umiyak!" Inis niyang bulong.

"A-Ano bang k-kailangan mo sa 'kin? Kung pera, ibibigay ko lahat ng laman ng wallet ko." Basta wag lang akong masaktan.

"Hindi ko kailangan ng pera mo." Binuksan niya ang pinto ng kotse. "Sakay,"

I looked at him and didn't follow.

"Sakay!" Mas malakas niyang utos.

Bahagya akong umiling.

"Sakay sabi! Tangina!" He pushed me harshly inside making me fall on the floor of the car. Patayo pa lang ako at akmang lalabas na ngunit naunahan niya akong isara ang pinto. When I tried to open it, it's locked. I began crying loud, feeling scared for me and my baby.

Tumingin ako sa bintana para hanapin si Josh ngunit pinaandar na ng gunggong na 'to ang kotse.

"Sino ka ba?! Ano bang kailangan mo sa 'kin?! Mahirap lang ako! Wala akong trabaho! Wala akong pera!" Sunod-sunod kong sigaw. Kung pwede lang sana ay bugbugin ko siya kaya lang maaaksidente kami pag ginawa ko 'yon dahil siya ang nag da-drive. Hindi naman ako marunong mag maneho.

"Pag nag sumbong ka kay Josh at nakipag tulungan sa kanila, hindi lang ikaw ang madadamay." Banta niya.

Sabi ko na nga ba, pumasok rin 'to sa isip ko. Sila na naman.

"Buking na buking na kayo! Wala na kayong magagawa!" Sagot ko.

"San Mateo, 'di ba? Doon nakatira ang pamilya mo?"

My eyes widened. "Wag mong idamay ang pamilya ko! Wala silang kinalaman dito!" Sigaw ko ulit.

"Wag mo 'kong sigawan!" Kumuha siya ng baril mula sa compartment sa harapan tsaka niya iyon itinutok sa akin. Umurong ang dila ko dahil doon at mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot. This is a life and death situation. I'm not ready to die yet!

"Tangina. Hindi lang ikaw o si Josh, damay lahat ng nasa paligid niyo. Wag kang magkakamaling makipag tulungan sa kaniya at mag sumbong tungkol dito. Maraming matang nakatingin sa'yo at tenga na nakakarinig sa bawat salitang babanggitin mo." Pananakot pa ulit niya.

I gulped hard while caressing my small bump. I'm sorry, I couldn't protect myself, I couldn't protect you. Ito ang isa sa mga kinakatakutan ko, ang hindi kita maprotektahan dahil wala naman akong sapat na kakayahan. I'm too weak physically. Your mom is too weak...

"Lumayo ka kay Josh para malayo ka rin sa kapahamakan. Habang mas lumalapit ka sa kaniya, mas nalalapit ka rin sa kamatayan. Mamili ka." Pananakot niya. "Hindi lang ikaw, madadamay din ang pamilya mo. Nasampolan na kita ngayon, wag mong hintaying madamay pati ang ibang tao, lalo na si Josh."

"Hindi niyo siya masasaktan. Ako lang naman ang pinupuntirya niyo dahil alam niyong wala akong laban sa inyo." Sagot ko.

He laughed. "Sikat lang siya, hindi siya santo. Sa aming dalawa, mas may laban ako. Nagawa nga kitang kunin mag isa, siya pa kaya?" Mayabang niyang sagot.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon