CHAPTER 39: Moon's Asleep

1.5K 36 78
                                    

⚠️ uii forda warning

Chapter 39: Moon's Asleep

Dahil sa naudlot naming bakbakan ay ikinain na lang namin ang pagkabitin. Life goes on, kahit na bitin na bitin ka na dahil ilang taon kang tuyot.

Nagkakatuwaan na naman ang mag ama na parang wala ako dito. Oh edi sila na.

"Hmm! Nom nom nom," Moon hummed while chewing her food.

Josh smiled at his daughter and mimicked her. "Hmm, sarap 'no? Nom nom nom,"

Moon chuckled before taking a spoonful of ruce again. "Nom nom nom!" She even did her little happy dance.

Natawa na lang ulit si Josh at ginaya na naman ang anak na sumasayaw. Wala naman akong ibang magawa kundi ang panoorin lang sila habang nakangiti. They both look so cute.

Moon turned to me. "Mama! Nom nom nom!"

Ngumiti rin ako at ginaya siya. "Nom nom nom!" Para na kaming mga bulateng sumasayaw dahil inasinan.

I could picture us three in my head being this happy before. This is the family that I wanted, that I've been longing for. This is the kind of family that all of us deserve, lalo na si Moon.

After eating, Josh played a movie for Moon to watch while we're cleaning up the kitchen. Siya ang naghuhugas ng mga ginamit namin at ako naman ang nagpunas ng mesa. And since wiping is just a piece of cake, I finished my chore quick.

Pagkatapos kong magpunas ng mesa ay nakihugas muna ako ng kamay sa lababo at tinuyo iyon. Tsaka lang ako lumapit muli kay Josh para yakapin siya mula sa likuran.

"Mahal?" Tawag ko sa kaniya sa malambing na boses.

"Hmm?" Malambing niya ring tugon.

Eh bakit parang hindi naman siya kinikilig? O sadyang OA lang talaga ako?

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Oo naman. Bakit? Ikaw? May problema ba? Masama na naman ba yung pakiramdam mo?" Sunod-sunod at halatang nag aalala niyang tanong.

"Hindi, wala. Grabe naman 'to. Nagtatanong lang naman ako." Agad kong sagot. "Mahal?"

"Oh?"

I smiled while blushing. "I love you."

"I love you too, mahal." He replied.

Shuta, oo na! Kinikilig ako!

"Bakit ba? Ano bang problema?" Pilit niya.

"Wala nga! Nag I love you lang naman ako, may problema agad?"

"Wala, nakakapanibago ka kasi. Ang clingy mo. Dati ang sungit sungit mo sa 'kin."

"So mas gusto mo yung masungit ako?" Taas kilay kong tanong.

Akmang aalisin ko na ang pagkakayakap ko sa bewang niya nang pigilan niya ang braso ko gamit ang mga kamay niya. Hinatak niya ako papunta sa harapan niya at doon ako isinandal sa gilid ng lababo.

Napatingala na lang ako ng tingin sa kaniya habang nakikipag palitan ng tingin sa mga mata niya. Hindi niya inalis ang titig niya sa akin at ganon din naman ako. Inangat niya ang mga braso niya at inabot ang basahan sa likuran ko para tuyuin ang mga kamay, dahilan para mapalapit ang muka namin sa isa't isa.

I didn't budge or even blink. Hindi ko inalis ang titig ko sa kaniya kahit na gahibla na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't isa.

"I love you... Mahal." He whispered. I felt his hot breath on my lips and even smelled the yummy longganisa that we ate earlier.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon