CHAPTER 19: Talk

1K 37 148
                                    

Chapter 19: Talk

Halos madapa na ako nang kumaripas ako ng takbo palabas ng building namin. Kailangan kong maabutan si Josh. I need to talk to him about this before he finds out!

Sunod-sunod na malalim na paghinga ang ginawa ko nang makababa na ako sa first floor. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan nang makita ang puting kotse ni Josh na nakaparada pa rin sa gilid. It's a relief knowing that he's still there, but it also made me more nervous while thinking about the reason why he stayed there until now.

Does he know already?

I gulped hard as I ran quickly towards his car. Walang sabi-sabi kong binuksan ang pinto at mabilis na sumakay doon. Naabutan ko siyang nakatitig sa cellphone niya habang seryoso ang itsura. I gulped hard again. After seeing his expression, I'm expecting the worse now.

"Josh," hingal at takot kong tawag sa pangalan niya. "Josh, kailangan nating mag-"

"Tangina," matalim niyang bulong. Humigpit rin ang pagkakahawak niya sa telepono niya at pansin ko rin ang paggalaw ng panga niya.

One word, that one word felt like a cut by a sharp sword. I felt his anger and frustration in just one word.

I exhaled in fear. "J-Josh," fuck! Why can't I say what I wanted to say now? Parang may pumipigil sa dila ko. Pinapangunahan ako ng takot at kaba sa mga pwedeng mangyari pagkatapos nito.

"Tangina, Tricia." He said in frustration and disappointment while still staring at his phone.

Umiling agad ako. "H-Hindi ako- h-hindi ako 'yan! Hindi ako ang may gawa niyan! Promise! Hindi ako yung nagsulat ng article!" Takot na takot ako habang nagsasalita. Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula. Nag uunahan ang mga salita na gustong lumabas sa bibig ko.

"Hindi ako ang gumawa niyan. Alam mo naman na editor lang ako 'di ba? Josh, maniwala ka sa 'kin, hindi ako 'yan. B-Basta pagdating ko kanina sa opisina, tsaka ko lang nalaman yung tungkol diyan. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam." Pilit kong paliwanag habang pinaglalaruan ang sariling kamay na ngayon ay nanginginig pa dahil sa takot at kaba.

"Hindi ikaw?" He asked, unconvinced. Dahan-dahan siyang tumingin sa 'kin. Bakas ang pinaghalong galit at pagkadismaya sa mga mata niya. "Ortiz, P. Patricia Ortiz. Hindi ako tanga para hindi malamang ikaw 'to. I spent too much time scrolling through your company's site para lang malaman kung anong pangalan ang ginagamit mo sa mga articles. Tapos tatanggi ka pa ngayon?" He asked in disappointment.

I gulped again before sighing sharply. "Hindi talaga ako." umiiling kong pilit. "Sa tingin mo ba kaya kong gawin 'yan? Na dungisan yung pangalan mo?"

"Sa tingin mo rin ba kaya kong ipahamak ang sarili ko lalo na yung mga taong nakapaligid sa 'kin para lang sa tanginang video na 'to? Yung mga ka-trabaho ko? Kaibigan at pamilya ko? Ikaw?"

I slowly looked down as he mentioned me last. Kahit na galit siya, hindi pa rin niya ako nalilimutang alalahanin. And because of si much guilt, I can't seem to stop my tears from falling.

"Hindi ako tanga para gumawa ng tanginang sex scandal para ibahagi sa iba o ipakalat sa internet! Tangina, Tricia, nagtiwala ako sa'yo! Sinabi ko pa sa'yo yung tungkol sa babaeng nanloko rin sa akin dati 'di ba? Tapos ikaw," he paused and looked away. "Tapos ikaw pa pala... Ikaw pa yung sisira ng tiwala ko... Ikaw pa..." His voice pained me as he sounded hurt.

I turned my eyes at him and gave him a pleading stare. "Makinig ka sa 'kin, mag usap tayo nang maayos. Hindi nga ako 'yon, I swear! Hindi ko rin alam kung sino pero s-siguro may gustong manira sa'yo, may gustong manira sa 'kin sa'yo! Basta alam ko sa sarili ko na hindi ako 'yon. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang ipahamak ka! Wala ka bang tiwala sa 'kin? Josh naman, maniwala ka sa 'kin, hindi talaga ako yung may gawa niyan. Hindi ko kaya." Sunod-sunod kong tanggi.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now