CHAPTER 15: Bliss

1.2K 30 131
                                    

Chapter 15: Bliss

Hindi agad ako nakasagot at nanatiling tahimik dahil sa gulat. Kumurap din ako ng ilang beses at lumunok, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"D-Date?" Utal kong tanong. Bakit bigla akong kinabahan?

"Hmm-mm, friendly date."

Nakahinga ako ng maayos nang marinig iyon, ngunit hindi rin nakatakas ang bahagyang pagkadismaya ko. Ewan ko ba. Bakit naman kasi iba yung nasa isip mo, Tricia?

"Kasama natin si Stell at Jah, baka nga pati si Xi-Anne. Icha-chat ko sila mamaya." Dagdag niya.

"Hindi ba sila busy?"

"Hindi naman. Wala naman kami masyadong ganap ngayon. Kaya nga sinusulit ko na."

I sighed before looking up at him. "Date? Baka nakakalimutan mong sikat ka?" Taas kilay king sabi sa kaniya.

"Bakit? Ano naman? May iba naman tayong kasama." Rason niya.

Sabagay, bawas issue 'yon dahil iisipin ng mga tao ay magkakaibigan lang kami na nag bobonding.

"Saan mo naman balak pumunta?" Tanong ko ulit.

"Nakakamiss bumili ng tusok-tusok, hanap tayo mamaya."

"'Yon lang?"

"Syempre hindi. May gusto pa akong puntahan, sa trampoline park." Nakangiti noyang sabi habang nakatingin sa kisame.

"Trampoline?"

"Oo, mukang masaya eh. Gusto ko lang i-try."

Hindi na ako umimik dahil sabit lang naman ako sa kanila. Hindi naman kasi ako gumagastos tuwing magkasama kami ni Josh dahil siya lagi ang nagbabayad para sa 'kin. Medyo nahihiya na nga ako eh. Feeling ko napaka buraot ko na. Hindi naman nagrereklamo si Josh kaya ayos lang siguro.

We stayed cuddling for a couple of minutes before deciding to eat our breakfast. Habang kumakain ay hawak niya ang cellphone niya, mukang kinakausap si Stell at Justin.

"Ano raw?" Tanong ko.

"Sasama sila, pati si Xi." Sagot niya.

Tumango na lang ako. Mas gusto ko rin yung kasama si Xi dahil may kauri akong babae.

After eating breakfast, we went to shower together. And yeah, we had a quickie. What can I do? I like it too. Whenever he starts touching me intimately, my mind and body gives in immediately.

Pasado alas diyes na nang matapos kami sa paliligo, tanghali na rin naman kasi kami nagising eh. Kaya ngayon, gumagayak na kami pareho dahil parating na raw dito yung tatlo. Kotse na naman kasi ni Josh ang gagamitin.

"Trish!" Bati ni Xi sa 'kin habang kumakaway. Ngumiti ako pabalik tsaka namin sinalubong ng mabilisang yakap ang isa't isa. Pagkatapos ay umakbay ako sa kaniya.

"Si Josh?" Tanong ni Stell.

"Kinuha yung kotse." Sagot ko naman.

"Ayan na siya oh." Turo ni Jah.

Huminto sa tapat namin ang puting kotse ni Josh. Sumakay naman na agad kami. Bumungad sa amin ang mahinang music na tumutunog sa buong kotse. As usual, sa shotgun seat na naman ako nakaupo. Nasa gitna naman ni Jah at Stell si Xi.

"Saan muna tayo, Josh?" Tanong ni Stell.

"Hanap muna tayo ng tusok-tusok sa daan. Meron naman 'yan panigurado."

"Anong tusok-tusok ba? Kwek-kwek?" Si Justin naman ang nagtanong.

"Oo sana."

"Meron 'yan, marami namang nagtitinda ng ganyan sa tabi-tabi." Sabi naman ni Xi.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now