CHAPTER 12: Friends

1.1K 33 121
                                    

Chapter 12: Friends

"Oh?"

Ni-loudspeaker ni Josh ang tawag tsaka siya nagpatuloy sa pagkain. Sinenyasan pa rin niya ako na wag maingay kaya imbis na ginamit ng kutsara at tinidor ay nag kamay na lang ako.

[Ano na naman yung narinig kong ginagawa mo?] Rinig kong seryosong tanong ni Pablo mula sa kabilang linya. Malayong malayo sa kung paano siya magsalita doon sa concert nila.

"Ano ba yung narinig mo?" Tanong naman ni Josh pabalik na parang wala lang iyon sa kaniya.

[Ikaw Josh napaka risky ng mga ginagawa mo. Pag nahuli ka ng media,]

"Nahuli ba 'ko?" Confident na tanong naman ni Josh.

[Tss, ...tandaan mo, pag nahuli ka–]

"Damay kayong apat. Oo, alam ko. Alam ko yung ginagawa ko. Hindi naman ako pabaya sa mga desisyon ko." Putol niya sa sinasabi ni Pablo. "Oo na, alam ko na 'yan. Nag iingat ako, promise."

[Tsk,] sandali siyang tumahimik. [Sana ma-inlove ka na para mag seryoso ka na sa buhay.]

Josh chuckled. "Sige, wish me luck."

Hindi pa natatapos ang tawag ay may nag doorbell naman.

"Sino na naman 'yon?" Tanong niya sa sarili niya. "Bye na, may dumating."

[Sige, yung bilin ko ah. Babatukan kita.] Banta pa niya kay Josh.

"Oo, sige." Tinapos na niya ang tawag at tumayo na siya sa silya. "Wag kang maingay." Bilin niya sa 'kin.

Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makarating na siya sa pinto. Kita lang mula dito ang main door kaya naghintay na lang din ako sa kung sino man ang dumating.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito?" Tunog problemado si Josh. Hindi niya binubuksan ng malawak ang pinto, sa halip ay nakasilip lang siya doon.

"Tatambay. Masama?" Rinig ko ang boses ni Stell.

Nako, mukang silang dalawa na naman ni Justin 'yon ah. Shit! Kailangan kong magtago!

"Aga pa. 'Di ba kayo napagod sa concert kagabi? Ako nga inaantok pa oh." Reklamo ni Josh.

"Nag overtime ka kasi eh." Natatawang sabi ni Justin.

"Oo nga. Sabi ko kasi sa'yo wag ka nang kakaldag pagkatapos ng concert eh." Gatong pa ni Stell, narinig ko rin ang tawanan nung dalawa sa labas. "Lagot ka, alam na ni Pau."

"Oo, tinawagan nga ako kani-kanina lang."

"Anong sabi?"

"Usual. Paulit-ulit lang naman yung sinasabi niya."

"Pano paulit-ulit mo ring ginagawa." Singit ni Justin.

"Ooohhh, bars." Dugtong ni Stell.

Napakamot na lang ng ulo si Josh. "Tsk. Ano ba kasi talagang gagawin niyo dito?"

"Wala, tatambay nga." Sagot ni Jah.

"Kasama niyo ba kanina yung mga pusa niyo?"

"Malamang, kasama ko si Naya sa condo." Sarkastikong sagot ni Stell.

Tinaboy niya ang dalawa niyang bisita tsaka niya isinara ang pinto. Nang lingunin niya 'ko ay kinunotan ko siya ng noo.

"Pumasok ka muna sa kwarto. May facemask ako sa cabinet, hanapin mo na lang." Utos niya bago niya muling buksan ang pinto.

Sumunod na lang ako kay Josh at nagmamadaling hinugasan ang kamay bago pumunta sa kwarto niya. Madali ko lang nahanap ang disposable mask na tinutukoy niya dahil nasa ibabaw lang 'yon. Nagsuot na 'ko ng mask at nag stay na lang sa kwarto.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon