CHAPTER 21: Reject

895 31 140
                                    

Chapter 21: Reject

Tumayo si mama kaya tumayo na lang din ako at nagtago sa likuran niya. Pareho kaming nakatingin ngayon kay papa na seryosong seryoso ang itsura at hindi maipinta ang muka.

"Buntis ka, Tricia?" Tanong niya ulit.

Hindi ako sumagot, sa halip ay nanatili akong tahimik habang nakatago sa likuran ni Mama. I can feel the danger in papa's presence. Minsan ko lang makitang magalit si Papa at hindi ko iyon gusto. I hate his expression right now. Para bang anumang oras ay kayang kaya niya akong pagbuhatan ng kamay.

Now I'm not just feeling scared and  nervous for myself, but perhaps also for my baby. I might dislike this child right now but I still care, I still do, it's still my baby after all.

"Sinong ama?" Diretsong tanong ni Papa na hindi ko na naman nasagot. "Sinong ama, Tricia?!" He raised his voice that made me look down and close my eyes.

"Yung lalaking 'yon ba? Yung pumunta dito? Siya ba? Ha?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Philip, pakinggan muna natin siya." Mahinahong pakiusap ni mama.

"Sino nga yung nakabuntis sa'yo, Patricia?!" Ulit ni papa. "Hindi ba sabi ko sa'yo kung may manliligaw o boyfriend ka, ipakilala mo samin? Ha? Na wag kang nagtatago at nagsisinungaling kasi ayaw namin 'yon? Ngayon, sino yung lalaking nakabuntis sa'yo at bakit hindi mo pa siya isinama dito para makausap kami? Sino? Ha?"

"Sino?!" He shouted when I didn't respond. Mama tried to calm him down but I know that he won't. "Sino, Tricia?! Yung Josh na 'yon? Siya ba? Iharap mo siya samin ngayon!"

"Hindi siya!" Sagot ko kalaunan. "Wag niyo siyang idamay, wala siyang kinalaman dito." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko nang idamay pa si Josh dito. I can handle this. I must.

"Eh sino kung ganon?" Nang hindi ulit ako sumagot ay marahas na napakamot sa ulo si papa. "Sino, Tricia?!"

"Hindi ko alam!" I suddenly bursted.

I saw Patrick went out of his room from my peripheral vision. He look confused and worried at the same time. Pumunta siya sa likod ni papa at sinubukan itong hawakan sa likod ngunit hinawi kang iyon ni papa.

"Anong hindi mo alam?" Tanong ni papa. Pati si mama at Patrick ay nagtataka na rin ang itsura.

"Hindi ko alam." Bulong ko habang pinipigilan ang luha.

"Anong hindi mo nga alam? Anong pinag gagagawa mo sa buhay mo? Nakabuo kayo eh. Imposibleng hindi mo alam kung sino. Imposibleng hindi niyo ginusto, hindi niyo inuit ulit." Itinuro pa niya ang tiyan ko. "Sino, Tricia? At bakit hindi mo masabi samin? Ano? Ginago ka ba? Iniwan ka ng punyeta? Ano?!"

"Hindi ko nga alam!" Sagot ko ulit. "Hindi ko kilala, hindi ko alam yung pangalan, hindi ko maalala yung muka. Okay na? Nasagot ko na yung tanong niyo. Baka naman pwedeng hayaan niyo muna akong–"

"Pa!"

"Philip!"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang tumama ang palad ni papa sa pisngi ko. Doon na kusang tumulo ang luha sa kaliwa kong pisngi. I didn't mind to fix my hair or even look at them. I felt a heat on my right cheek as the seconds passed. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatikim ng sampal mula sa magulang ko. Pumunta naman si Mama sa likod ko at sinuri ang muka ko ngunit hinawi ko ang kamay niya.

"Hindi ka namin pinalaki para lang magpabuntis sa kung sino sinong lalaki!" Gigil na wika ni papa habang nakaturo sa 'kin. "Matalino ka naman sana, pero bakit hindi ka nag isip bago mo ginawa 'yang katangahan mo?!"

I gathered all of my strength to look at them. "Hindi na 'ko bata! Hindi na 'ko teenager! Pa, matanda na 'ko. Malapit na nga akong mawala sa kalendaryo tapos parang kinse pa rin yung turing mo sa 'kin?" Depensa ko.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now