CHAPTER 16: Featured

1.5K 37 134
                                    

⚠️

Chapter 16: Featured

Walang tao nang buksan ko ang pinto ng studio na sinabi sa 'kin ni Josh. He just told me to went straight to a certain floor and room and enter without knocking since it's already opened.

Dahan-dahan at maliit lang muna ang awang ng pinto, sumilip muna ako sa loob bago ako tuluyang pumasok. Bumungad sa 'kin ang medyo madilim at maingay na studio.

The lights are dimmed and there's a loud sound echoing around the whole studio. It's a new sound to me. Upbeat na naman iyon at boses ni Josh ang naririnig ko. Pahinto-hinto rin 'yon. Sa tingin ko ay nag rerecord siya.

Binilin niya sa 'kin na i-lock ang pinto pag nakapasok ns 'ko kaya iyon ang ginawa ko. I looked around to admire the whole place. It's quite spacious, the design ir overflowing, dito siguro sila nag papractice ng sayaw.

Pumunta ako sa direksyon kung saan pinaka nanggagaling ang tunog. Nang buksan ko ang glass door ay doon ko nakita si Josh na nakaupo sa swivel chair at nakatutok sa computer habang may suot na headphone.

Walang ingay ko siyang nilapitan tsaka ko siya kinalabit. Nang lingunin niya 'ko ay pinause agad niya ang tugtog tsaka niya inalis ang headphone niya.

"Nandito ka na pala." Aniya. "Kumain ka na?"

Umiling ako. "Hindi pa. Ikaw ba?" Luminga ako sa paligid. "Bakit wala kang kasama dito?"

"Meron kanina. Bumili sila ng pagkain, nagpabili na rin ako ng para satin." Sagot niya.

Tumango na lang ako.

Hinatak niya ang isa pang swivel chair papunta sa tabi niya tsaka niya tinapik ng dalawang beses iyon. "Upo ka dito."

I did as what he told me to do. "Ano bang tulong yung kailangan mo? Eh wala naman akong alam sa mga ganito." Sambit ko ha ang tumitingin sa mga bagay bagay sa paligid.

"Steady ka lang diyan, tuturuan kita." May ilan siyang pinindot pindot sa keyboard at mouse. "Eto, mag rerecord lang naman ako eh. Pipindutin mo lang 'to para mag play yung sound at mag record. Eto naman yung pause at stop. Tapos eto yung pipindutin pag idedelete mo yung last record. Gets?"

"Hmm," I tried remembering everything he told me to do. "Gets naman."

He nodded. "Sige, papasok ako do'n sa live room para mag record, ikaw na'ng bahala dito. Oks?"

Kinakabahan ako dahil baka may magawa akong mali o baka may mapindot ako na makaka delete sa lahat ng 'to pero tumango na lang ako. Inisip ko na lang na ang dami niyang naitulong sa akin nung mga nakaraan at simpleng pabor lang naman 'to para tumanggi ako.

"Sige."

He stood up then went to the live room. Mula dito sa control room ay kita ko siya dahil sa glass wall. He wore the headphones on and prepared himself. After that, he did a thumbs up.

I tapped the button where he told me to tap earlier and the music started playing. He also started singing but the mic sounds a bit off. Parang may problema sa mic, nawawala wala ang tunog.

Itinaas ko ang kamay ko para kunin ang pansin niya tsaka ko pinause muna ang kanta. Tumingin naman siya sa 'kin.

"Hindi gumagana nang maayos yung mic." Wika ko.

Kumunot ang noo niya. Tinuro ko ang mic na nasa tabi ko tsaka ko pinagkrus ang mga daliri ko habang umiiling. Mukang hindi pa rin niya 'yon nagets dahil napakamot siya sa batok niya. Sinenyasan na lang niya ako na pumunta doon.

"Hindi maayos yung tunog ng mic." Sambit ko agad nang makapasok na ako sa loob.

Napakamot siya sa ulo niya. "Try ko i-check ulit do'n." Aniya bago siya bumalik sa control room.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Where stories live. Discover now