Chapter 366

218K 8.9K 12.2K
                                    

Small talks

Jay-Jay's POV

"MANAHIMIK KA SUPOT!" sigaw ng Batang Kumag habang pilit hinahablot ang Step-brother ko.

"PATATAHIMIKIN KITANG BANSOT KA!" galit na sagot naman ni Percy kabang pilit kumakawala sa pagkakahawak ni Felix.

Sabi ko na, hindi talaga pwedeng hindi magbabangayan ang dalawa na 'to. Kundi lang magagalit si Kuya malamang hindi na sila iintindihin ng mga Ulupong. Napilitan lang silang umawat dahil nakasibangot na si Kuya Angelo sa kanila.

Sige, magsapakan kayo.

Tinignan ko si Kuya na nasa tabi ko. "Penge tubig."

Umiling siya. "No. Tama na yung binigay ko sa 'yo kanina."

Masakit mang aminin, hindi talaga ako mahal ng pinsan ko. Hindi pamilya ang tingin niya sa 'kin. Hindi mahalaga sa kanya ang damdamin ko. Hindi mahalaga sa kanya ang gusto ko.

Simple lang ang hiling ko pero pinagkakaitan niya ko.

Hindi niya ko mahal.

"Maybe tomorrow, you can have as much water as you want," sabi niya at napangiti naman ako.

Mahal pa rin pala ako ng pinsan ko. Pamilya pa rin ang tingin niya sa 'kin. Madrama lang talaga ako kapag walang laman ang tyan ko. Pero ramdam ko talaga ang pag-aaruga niya sa 'kin. Basta dapat laging busog.

"You two need to stop," sabi ni Sir Alvin sa dalawang nagbabangayan pero hindi naman siya pinansin kaya ang mga Ulupong ang hinarap niya. "Palabasin niyo na lang sila. Mukang ayaw talaga tumigil."

Yun naman ang ginawa ng ibang Ulupong. Hinatak nila ang dalawa palabas ng kwarto. Tinangka pang magpalipad ng sipa ni Ci pero hindi naman umabot.

"Maliit kasi binti mo, bansot!" pang-iinis ni Percy bago tuluyang mahatak sa labas.

"Tumigil ka na!" sigaw ni Felix sa kanya habang nangunguna sa pag-awat sa kanya.

Pati si Felix napipikon sa kanila.

Pagsara ng pinto nagkaroon ng katahimikan. Ito yata ang peace of mind. Piraso ng utak.

"I'm really sorry," sabi ni David sa 'min ni Kuya. "I shouldn't have let them stay in one room."

Napailing si Kuya habang natatawa. "They're not your responsibility. Matanda na si Percy alam niyang hindi dapat siya pumapatol sa mas bata sa kanya."

Matanda ba 'yung mas isip bata pa kay Ci-N?

Napangiti lang si David. Hinarap niya ko at inayos ang buhok ko sa muka.

"I hope you get better para makapasok ka na," ngumiti siya sa 'kin bago bitiwan ang buhok ko at  mapaangat ng tingin kay Kuya.

Kita ko ang paglunok niya at pag-iwas ng tingin pero ng tignan ko naman si Kuya nakataas lang ang isang kilay niya sa kanya.

Pati si David natakot na rin sa kanya. Iba talaga si Angelo.

"Sa labas muna ako. They might need me there," paalam niya at naglakad na palabas.

Pagsara ng pinto, hinarap ko si Kuya para sana tanungin pero naunahan niya kong magsalita.

"Hindi niya kasundo si Keifer."

Manghuhula na ba ngayon si Kuya? Paano naman niya nasabi 'yon? Ang dami naman niyang career.

Ang daming talent.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon