Chapter 8

16.8K 570 114
                                    



VEX


[Anak... kelan ka ba bibisita rito? Namimiss na kita,] Mom said.


"I'll visit this week, Ma," sagot ko habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko.


I'm here in one of the guest rooms. I chose the largest one. Of course hindi kami tabi matulog ni Ansel! Baka landiin pa ako noon at masapak ko! He slept in the Master's bedroom. Sa katunayan, sinabi niyang doon na lang ako at sa guest room siya pero tinanggihan ko.


This is his mansion. His home. Tapos ako matutulog sa master's bedroom? Hindi naman ata makatarungan 'yon.


[I told your Dad to give your car back pero ayaw niya.. I'm sorry..]


Nailing ako. "It's not your fault, Ma. Hayaan mo na. I have my own savings. I can buy a car myself," matigas kong sabi.


I know Dad took my car because he wants me to learn something. But I don't care. I can live by my own.


[Naayos na ang kompanya. Our company is back on track,] she sounded guilty.


"Good. Para naman may silbi 'yung pagpapamigay ni Dad sa akin dito kay Mr. Monterro bilang pambayad sa utang niya," I didn't want to say it but my mouth was venomous.


[Anak,] Mom spoke softly.


"Sige na, Ma. May pupuntahan pa kasi ako. Don't worry, I'll go there and visit you."


I washed my face and did my morning routine. Naligo na rin ako. I wore my pair of silk clothed sando and shorts. Pagkababa ko ay naabutan ko si Ansel na nagkakape sa kusina. He was reading some documents. Nilampasan ko siya para magtimpla rin ng kape ko.


"Morning," his deep voice met my ears.


A faint gasp left my mouth. Tanginang boses 'yan. Ang lalim. And why did it sound so... sexy?


Nahihibang na ata ako!


"Good morning," pormal kong bati at nilingon siya.


I saw him look at my outfit before looking away. Napasimsim siya sa kape niya. Nawala lamang sa kanya ang atensyon ko nang may pumasok sa kusina.


"Wow.. nagpintas nga dalagita," aniya nang makita ako.


"Huh?"


"Manang Inday," Ansel gave her a small smile before diverting his gaze on me. "She's the mayordoma in this mansion. Darating din ang ibang helpers ngayong araw. Kadarating ni Manang galing bakasyon."


My lips formed an O-shape. "Oh, hello po, Manang Inday. Magandang umaga ho," I respectfully said. Tumungo ako.


Pagkaangat ko ng tingin, titig ni Ansel ang nakasalubong ko. I bit my lip and looked away. The corner of his lips raised.


Nagulat naman ako nung lumapit sa akin si Manang at yumakap. "Jusko! Ang bango bango pa, amoy baby!"


"Hmm, baby ko," I heard someone whisper.


Hinanap kaagad ng mga mata ko si Ansel. May sinasabi ba siya?


"Sobrang kinis pa at matangkad! Nako! Bagay na bagay kayo ni Ansel! Napakaguwapo niya at ikaw naman ay napakaganda! Mukhang mabait pa!" She hugged me tightly. I couldn't help but chuckle at how flustered I am and how cute she is.


"Manang, you're squeezing my wife," saway ni Ansel na marahang natawa.


Pinamulaan ako ng mukha sa narinig. Sinamaan ko ng tingin si Ansel pero ngumisi lang siya. He pretended to read the documents in front of him again.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon