Chapter 18

17K 604 810
                                    





SEE YOU


"Ang engot kasi. Maghihiwa na nga lang, masusugat pa," pinalitan ko ang bandaid na nakaikot sa daliri kong nasugat sa paghiwa dun sa patatas.


Naupo na ako at hinintay si Ansel. "Manang Inday ha. Makiupo kayo sa amin at sabay ulit tayong lahat na kumain," paalala ko kila Manang dahil baka iwan nila akong kasama si Ansel dito sa kusina.


"Ayaw mo po ng quality time with your hubby, Ma'am?" Helena chuckled. Pati si Manang mukhang natutuwa rin.


Well, I don't want to feel awkward!


"O, Sir Ansel! Himala ata umuwi kayo ngayong tanghali. Nakakapagtaka ho dahil araw-araw ay palagi kayong nasa opisina mula umaga hanggang gabi," rinig ko ang nagtatakang boses ni Mang Tasyo.


"Pinauwi ho ako ng boss ko. Wala tayong magagawa," tawa ni Ansel.


Nanatili akong nakatingin sa pasukan ng kusina hanggang sa maaninag ko si Ansel. Nagtama ang paningin namin. Umismid ako.


Ngumisi siya at lumapit sa akin. Since nakaupo ako ay tiningala ko siya. "Tagal mo naman," reklamo ko.


Ngunit napawi ang simangot ko at napalitan ng literal na gulat nung yumuko siya at hinalikan ako sa noo. "Pinalipad ko na nga sasakyan ko," aniya.


Nag-iwas ako ng tingin dahil uminit ang pisngi ko sa aksyong ginawa niyang hindi ko inasahan! Calm yourself, Iana!


"Ah! Helena, adda py gayam ti ubrain ta idjay ruwar!" Manang Inday exclaimed kaya napabaling ako sa direksyon nila. Hinila niya si Helena na nakangiting aso sa amin ni Ansel. "Hello, Ansel! Maiwan na muna namin kayo. Happy lunch!" Dugtong niya at iniwanan kami rito kahit na ang sabi ko kanina ay samahan nila kami!


Manang, ang sama!


Ansel raised a brow at me when only the two of us were left alone.


"K-kain na tayo," nawawala ata angas mo, Iana! This can't be!


Ansel pushed his tongue to his cheek inwardly, stopping himself from smiling. Mukhang tanga 'to. Hindi ko na lang pinansin at tumayo na. Sinimulan kong lagyan ng kanin ang pinggan niya.


Nahinto ako sa ginagawa nang maramdaman ang kamay ni Ansel na humawak sa kamay ko. He stood up. Tumingin ako sa kanya nung kunin niya ang lalagyan ng kanin at nilapag iyon sa lamesa. He held my hand and looked at it.


Sumeryoso ang mukha niya at tumiim ang bagang niya. "Bakit may band aid 'to? Nasugat ka?"


Malalim ang kunot sa noo niya at inaantay ang sagot ko. He looked so serious.


"I got a cut while cutting some of the ingredients," pagtatapat ko. Kasi 'yun naman ang totoo.


Halos magmura si Ansel matapos marinig ang sagot ko.


Binawi ko kaagad ang kamay ko. "Don't be exaggerated! It's just a small cut!"


"A small cut is still a damn wound, Iana! Sabi ko mag-ingat ka diba?" He hissed. "Patingin ulit ng kamay mo. Akin na."


"Pinagluto nga k-kasi kita! Maliit na sugat lang naman ito! Malayo sa bituka, Ansel," I told him. Muntikan ko pang takpan ang mukha ko sa hiya nung inamin kong pinagluto ko siya.


Nanuyo ang lalamunan ko nung matigilan si Ansel. My heart was beating so fast. Napaawang ang bibig niya.


Ngunit nang makabawi ay hinapit niya ako sa baywang. It took my breath away. His other hand reached for my affected hand. He looked at it and sighed before staring at me with his eyes that speak a thousand words.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon