Chapter 25

17.4K 654 1K
                                    

UTOS

Nakarinig ako ng parang pagbukas ng pintuan. Pinanlamigan ako ng katawan. Girlfriend?

[Let's go, Calista.]

Nanghina ako nang marinig ang boses ni Ansel. I felt a pang of pain in my chest. This can't be real.

The woman giggled. [Comming, Babe,] she whispered before the line went dead.

Pumikit ako at sumandal sa inuupuan ko. "Calm down, Iana. Tiwala muna kay Ansel ngayon. Wait until he confirms it," bulong ko sa sarili ko.

I tried calling again but it's already cannot be reached. How can I not fear and worry when this is happening?!

Huminga ako ng malalim. "Manong Tasyo, balik po tayo kilay Naya. Pasensya na po."

Sinunod ni Manong Tasyo ang sinabi ko. Kaya ngayon ay kasama ko si Naya sa kotse at papunta kaming mall. I changed my mind. Didiretso na sana ako sa bahay pero mukhang hindi pa uuwi si Ansel. Baka busy 'yung kasama 'yung girlfriend kuno niya.

And I don't want to go alone. Natatakot ako na baka nasa paligit lang 'yung nagtetext sa akin.

Naninikip ang dibdib ko pero hindi ko hinayaang balutin ako ng mga emosyon ko. I don't know what I should feel. There's fear and nervousness in my heart from the number texting and the woman who answered Ansel's phone. But there's also anger building up inside me.

Bakit siya ang sumagot sa tawag? Bakit nasa kanya ang phone ni Ansel? I also heard Ansel's voice calling her. Saan sila pupunta? She calldd him Babe.

I was starting to overthink. Bumalik sa isip ko 'yung babaeng nakita ko sa office ni Ansel dati. Naabutan kong kasama niyang lumabas sa office niya at humalik pa ito sa pisngi niya. The one who I heard say 'love you!' to Ansel before she left. The one who looked young.

Ni hindi ko pa pala natatanong kay Ansel kung sino 'yon.

Kinalabit ako ni Naya. "Where are we going?"

"Mall. Then we'll go home after. We'll drop you off at your house. Don't worry."

"Anong gagawin sa mall?"

"Hahanap ng peace of mind," bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

"May nangyari ba?" Naya was really curious.

"Wala. Mangyayari pa lang," I stated calmly with revenge on my mind.

You don't play with me, Ansel.

Ito ang pangit kung gwapo ang asawa e. Maraming higad na nakapaligid. Maraming babaeng nahuhumaling sa kanya. Mahirap mapanatag dahil maraming nakaabang.

"Mang Tasyo, don't tell Ansel anything yet. Ako na po bahala magsabi. Kapag tinawagan ka po at nagtanong which is baka hindi rin lang mangyari, paki sabi na lang na ako ang tanungin at bilin ko po sa inyo."

Mukhang naguguluhan si Mang Tasyo pero tumango pa rin siya. Parang gusto rin niyang magtanong pero hindi niya ginawa.

"Ano ba kasing meron? Dapat nakauwi ka na at aantayin mo na lang si Ansel para sabihin mo sa kanya 'yung tungkol sa number na panay text sa'yo! So explain why we are at the mall right now, Sister. Kasi naguguluhan ako!" Stressed na si Naya.

"May bibilhin lang," casual kong sabi. "Bibili tayo ng bagong lingerie."

"Gaga?" Naya looked at me weirdly.

Maghintay ka, Ansel. You have a lot of explaining to do as to why a woman is holding your phone. Most specially, why she called herself your girlfriend. Pero sa mga nangyayari ngayon ay hindi na ako natutuwa.

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon