Chapter 35

16.2K 750 1K
                                    



Iana
Ansel Monterro...

Ang pangalan na iyan.

Without any reason, I felt my heart call out that name.

B-bakit pamilyar?

Bakit bumilis ang tibok ng puso ko?

Bakit dumagundong ang buong systema ko?

I closed my eyes. Tumigil ako saglit at humawak sa mga puno malapit sa amin para mabalanse ang sarili ko dahil nanginig ang mga tuhod ko.

"Mommy, okay lang po ba ikaw?" Hinawakan ni Aziel ang magkabilang pisngi ko at tinantsa ang ekspresyon ko.

Huminga ako ng malalim. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos takbuhin ko na ang paradahan ng tricycle. Gabi na rin kaya kinuha ko ang flashlight sa bag ko at binuksan iyon pang-ilaw sa dinadaanan namin. Nasa may gubat rin kasi ang bahay namin. Nakakatakot rin kapag gabi. Pero maglilimang taon na rin naman kami rito at wala namang nangyayaring masama sa akin. Nag-aalala lamang ako dahil kasama ko ang anak ko ngayong palalim na ang gabi.

Nadatnan ko si Dante na nakaupo sa lamesa sa kusina. Nag-angat siya ng tingin nang dumating kami.

"Daddy, magandang gabi po," magalang na bati ni Aziel. Pansin ko ang kagustuhan niyang takbuhin ang pagitan nila ng Daddy niya para yakapin ito pero nag-alangan dahil sa seryosong mukha ni Dante.

"Hindi mo ba yayakapin ang Daddy?"

Mukhang nagulat si Azi sa tanong ng tatay niya. Tumingin ang anak ko sa akin kaya binigyan ko siya ng ngiti. It was a smile of assurance.

Nang buhatin ni Dante si Azi at niyakap ito ay bumaba ang tingin ko sa kamay niyang suot ang singsing.

"Balik ako mamaya. Papatulugin ko lang muna si Aziel," sabi ko kay Dante na siyang tinanguhan ako.

Tahimik si Azi hanggang sa makarating kami sa kuwarto niya. Bawat hakbang ay bumibigat ang dibdib ko para sa anak ko. Mayroong tumatakbo sa isip ko na dahilan pero hahayaan ko siyang sabihin sa akin.

"Mahal po ba ako ni Daddy, Mommy?" Mahinang tanong sa akin ni Azi. May kunot sa noo niya at ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan at pag-asa.

Nais kong burahin ang mga pag-aalinlangan niya ngunit alam kong hindi ko magagawa iyon hangga't sa hindi siya tinatrato ng tama ni Dante. 

"Mahal ka niya, anak," lumunok ako. "May mga pagkakataon lang talaga na hindi niya maipakita."

Kinantahan ko siya ng isang lullaby bago siya pumikit. Siniguro kong tulog na siya bago ako lumabas. Siguradong pagod siya kaya gigisingin ko na lang siya mamaya kapag kakain na.

Nadatnan ko si Dante na nanatiling nakaupo sa silid dito sa kusina. I sat in front of him. Inabot niya ang kamay ko pero binawi ko iyon. Napatitig ako sa daliri niyang suot ang wedding ring namin. Kumpara sa kanya ay mas makintab at mas makapal ang akin.

Bumuntong hininga siya. "Kumain ka na ba?" Tanong ko. Sa kabila ng inis ko sa kanya ay nag-aalala rin naman ako.

"Bukas ay aalis ako. Pupunta akong lungsod ng Maynila. Sasamahan ko ang boss ko sa paghahanap ng supplier. At mamaya ay lalabas ako para kausapin 'yung isa pa naming kasama."

Nagbaba ako ng tingin. "Kailan naman kayo makakabalik?"

"Baka tatlong araw kami doon. Pero huwag ka nang pupunta sa Hacienda ng mga Enriquez. Bantayan mo na lang muna si Azi," tumayo siya.

Tiningala ko ang kabuuan niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito bago ako makahulugang tinignan. "Sorry sa ginawa ko kanina. Hindi na mauulit."

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon