Chapter 11

15.9K 649 189
                                    




UNFAMILIAR


"I feel nauseous," napapikit ako at hinilot ang sentido ko.


I remember coming with Arco but I couldn't find him anywhere! Saan na siya? Bakit niya 'ko iniwan rito? Everything is blurry. Tumayo ako pero napasandal ako sa isang tao nang gumewang ako. I had probably drank too much.


"Pwede ba miss?! Umayos ka nga!" Singhal nung babaeng nasandalan ko. She looked irritated lalo nang makita ang mukha ko. I saw her stare at me and my body. There was jealousy in her eyes.


"I..I-I'm sorry," I raised a hand to be more sincere but she slapped my hand and pushed me away.


I bit my lip and attempted to steady my gaze and gait. Naglakad ulit ako pero bumabaliktad talaga ang paningin ko. Lumalabo ang lahat na nakikita ko.


I chuckled crazily when I tripped. And when I though I would meet the ground, rough and large hands wrapped around my body and caught me right on time.


"Fucking hell," his voice sounded so deep and cold.


Sinubukan kong dumilat pero malabo kong maaninag ang mukha niya dahil sa ilaw na tumatama sa paningin ko.


Umayos agad ako ng tayo. But I gasped when I smelled him. His scent was intoxicating. I almost clung to him even more. So manly and attractive. I will not deny that.


"I'm.." I hiccuped. "So so sorry," my words slurred.


I tapped his chest lightly while squinting my eyes and smiled drunkily at him although I could hardly see him. Matapos noon ay naglakad na ako para lumayo sa mga tao. I left the man there.


I woke up clutching my chest. Napapikit ako at naupo sa kama. That dream again. Bakit ko ba napapanaginipan ang lalaking 'yon? I couldn't remember his face but his warmth and the way his hands held mine etched in my mind.


Who is he? And why does he keep on invading my dreams? Hindi lang ito 'yung unang beses na napanaginipan ko siya.


Bakit parang pamilyar?


Nailing ako at tumayo na. Whoever you are, you are confusing me. Eh confused na confused na nga ako ngayon sa nararamdaman ko dun sa Ansel na 'yun!


"Hija, good morning! Kain ka na. Nakapagluto na ako ng almusal ninyo ni Ansel," Manang Inday greeted when I walked downstairs.


Napalinga ako saglit.


"Hinahanap mo ba si Ansel? Naku, nauna na siyang pumasok sa opisina. Ang aga nga e! Hindi man lang kumain ng agahan ang batang iyon," umiling si Manang at bumuntong hininga.


Kasalanan ko ba 'yon? Dahil iniiwasan na niya ako? Hindi. Kung ayaw niyang kumain, edi magutom siya!


Saglit akong natigilan.


No. Baka pinaghanda kasi siya nung babae niya. I think that's the correct answer!


"Ma'am! Coffee, tea, juice or water po?" Naaliw ako nang dumungaw si Helena sa kusina para lang magtanong.


"I'll go with the tea, Helena," I sniled at her.


"Mahilig ka po sa tea, Ma'am? Or sa double T?" She yawned while asking.


Namilog ang mga mata ko sa narinig at napaawang ang labi. Tama ba ako ng narinig?


"Helena jusko kang bata ka! Ke aga-aga nagkakalat ka! Dinamay mo pa si Iana!" Lumapit si Manang Inday sa kanya at piningot ang tainga niya.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon