Chapter 7

16.9K 603 32
                                    

it's acad break so I'm back. hello.

YOU

"Feelingero! Akala mo kung sino!" Sumalampak ako sa sofa at pinakulam sa isip ko si Ansel.


Naya laughed. She looked so amused. Habang ako rito ay sasabog na sa inis.


"Oh my gosh, Iana. I think that guy really likes you," she covered her mouth, looking so entertained.


Gagang 'to! Kinagagalak ba naman ang pagkamiserable ko!


"Are you for real?!" I glared at her. "Look, Naya. He just claimed me as the payment for my family's debt. Married me for what? He could have all the women in the city but he chose to settle with me? I don't know what game he's playing but I'm so full of him already."


"Yes, he married you. He chose you. And I can't blame him, Iana. You are a very beautiful woman. Madami kang manliligaw pero ni isa wala ka lang sinagot dahil diba... si Arco gusto mo?" Ngumiwi siya.


I covered my face. "Now he has the guts to order me around and tell me to not entertain any man while he is allowed to?!"


"Gaga ka! Kasasabi mo lang kanina na pinayagan mo siya na mambabae dahil wala kang pakialam tapos magrereklamo ka?! You could have told him na bawal rin siya!" Gigil na binato sa akin ni Naya ang unan na nadampot niya.


I groaned stressfully. "You know what, I don't care anymore! Bahala na siya sa buhay niya!" Nag-iwas ako ng tingin.


"Ang importante, hindi kayo kasal sa mata ng mga tao?" Naya raised a brow at me.


"Oo," matigas kong sagot. Tama naman diba? At least hindi ako pag-iinitan ng mga babaeng kinama niya at gusto siya. And I can hang out with Arco without paparazzis.


Hinatid niya ako kahapon. Nagmatigas ako pero hindi siya natinag. Siya pa 'yung galit akalain mo 'yun! Wala, edi sumama na ako. Parehas lang din naman kaming uuwi sa mansion niya. Labag man sa kalooban, sumabay na lang ako.


Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon.


From: Mr. Monterro
I'm not coming home tonight.


Dama ko ang pagbilis ng tibok ng kung anong organ sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko. Mapait akong ngumisi at nag-reply.


To: Mr. Monterro
Because you're sleeping with your woman? Noted, Mr. Monterro.


Akala ko ay hindi na siya magrereply pero nagulat ako nang makareceive ng sagot niya. My heartbeat doubled.


From: Mr. Monterro
I'm going France to meet a business associate, Iana. I'll be back tomorrow. Stop concluding things.


Nahigit ko ang hininga ko. He texted me again.


From: Mr. Monterro
Hindi ako mambababae kung 'yon ang nasa isip mo.


I swallowed hard. Pumikit ako at minura ang puso ko dahil sa mabilis na pagpintig nito. My feelings aren't going the right direction.


"You liar. Of course I wouldn't know if you're really going to france to meet a business associate. Baka babae mo pa 'yan," I huffed. Yes, Iana. Huwag kang magpapaniwala sa taong iyan.


"Sino 'yan?" Tanong ni Naya na kakapasok ng sala. She was cooking for lunch. I'm at her apartment right now.


"Nobody," napalunok ako at mabilis tinago ang phone ko.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon