Chapter 15

17.3K 731 536
                                    





MESSAGES


Kinaumagahan ay napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. I didn't get enough sleep. Maga rin ang mga mata ko kakaiyak nung madaling araw.


I quickly washed my face and did my morning routine. Pinapanalangin ko na sana ay pumasok si Ansel sa trabaho. I don't think I have the strength to face him right now.


Ano ang sasabihin ko kapag nakita ko siya?


Ngayon lang unti-unting lumilinaw ang mga nararamdaman ko sa kanya. My outburst past midnight when I saw him kissing another woman proved that I cared for him. Hindi naman ako magrereact ng ganun kung wala akong nararamdaman sa kanya hindi ba?


I had been confused for the past days. And my confusion led me to nothing. It only made me lose humanity. Hindi naman kasi makatwiran ang mga panghuhusgang itinapon ko kay Ansel.


Is it possible that I like Ansel?


Hays, ano ba itong iniisip ko!


Suminghap ako nang sumakit ang mga paa ko pagkalakad ko papunta sa pintuan. I never liked taking medicines so I refused to take painkillers. Kaya ang sakit pa din.


"Good morning, Ma'am!" Bati agad ni Mang Tasyo nang makalabas ako. He was waiting a few meters away from the door like the usual.


"Morning po," I smiled shyly. "Pasensya na po sa abala. Okay lang naman po kahit huwag niyo na po akong alalayan. Kaya ko naman po."


Napakamot si Mang Tasyo sa ulo niya at tumawa ng marahan. "Pasensya na pero bilin ni bossing na alalayan kayo. Kapag napaano pa kayo baka magilitan ako," he joked.


I bit my lip. Ansel must have strictly ordered Mang Tasyo to keep doing his work. Siguradong inasahan na niya akong tumanggi kaya binilin niya kay Mang Tasyo na huwag pumayag sa kagustuhan ko.


Alam kong galit pa din si Ansel sa akin kaya malamang ay maagang pumasok iyon sa trabaho para maiwasan ako.


Nag-init ang pisngi ko nang maalala ko kung anong nangyari nung nakauwi siya. Lalo na 'yung mga salitang sinabi ko sa kanya.


And I even told the girl he took here that I'm the wife?! I was the one who told Ansel to keep us a secret! Pero ako din lang itong nambuking sa amin!


Wala na. Wala na akong ihaharap na mukha kay Ansel. Lalayas na lang ako dito.


"Haan mu ngarod nga ikabil ajay tungsuy dita! Pangaldaw tayu ata," sabi ni Manang kay Helena na napanguso.


"Sorry na, Manang," Helena said. Her face brightened when she noticed me. "Ma'am gising na po pala kayo! Sayang hindi niyo naabutan si Sir! Maaga na naman kasing umalis!"


Marahil ay galit pa rin siya sa akin syempre. Naiintindihan ko naman. It's my fault and I don't blame him for being mad at me. He has the right to.


"Sabayan niyo naman akong kumain please," I smiled genuinely. "Mang Tasyo!" Tawag ko rin kay Manong na iniwan kami rito. "Kain po muna!"


Kita ko ang ngiti ni Manang Inday habang pinagmamasdan ako. "B-bakit po?" Nagtatakhang tanong ko.


Umiling siya ng nakangiti. "Wala iha. Anong gusto mong inumin?"


"Ah, ako na po bahala. Magkakape na lang po ako."


Hindi nagtagal ay dumating si Naya para bisitahin ako. "Aray!" Napahawak ako ulo ko nang binatukan niya ako gamit ang unang nadakma niya sa sofa.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon