Chapter 29

18.8K 797 1.1K
                                    


PALIWANAG

Umuwi sa kanya?

Nabara ang lalamunan ko. Nagbaba ako ng tingin dahil nangatog ang mga buto ko sa marahan niyang tinig. He's charming me with his gaze and words again! Tanggap kong gumagana. It's working so strong on me! I cannot let him win me with those again!

Not anymore! Hindi ako marupok.

Nagrambulan ang mga body cells ko sa katawan. Hindi ako nakasagot. Tumango si Ansel nang wala akong ni isang salitang sinabi. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa galit niyang mga mata. O baka guni guni ko lang ulit.

I wanted to leave immediately but I forced myself to sit and wait for him to finish eating. Hindi nagtagal ay natapos na rin siya kaya tumayo na ako.

"I'll walk you to your room," Ansel said seriously.

I suddenly felt nauseous. Pakiramdam ko rin para akong pagod na pagod. Gusto ko na lang bumalik sa room namin at magpahinga na.

Umiling ako.

At gaya ng dati kong ginawa, iniwan ko siya. I left him there again.

Dito ata ako magaling. Sa pagtakas sa problema.

I have to, or else I would just succumb back in his arms without knowing the truth from him! I'm scared of his answers. I'm scared that everything would fall apart.

Bumalik ako sa mga kasama ko. "I'll go first," paalam ko kila Monique. Sinenyasan ko rin si Direk Joe. He nodded.

I didn't look back at Ansel. "Samahan na kita pabalik?" Tumayo si Chad.

Agad akong umiling. "Hindi na."

"Tumatanggi pa. Halatang gusto namang landiin si Chad," rinig kong bulong ni Bianca sa may tabi. Naupo kasi siya sa puwesto ko nung umalis ako.

I frowned at her.

Dumiretso ako sa hotel. Ngunit nasa may tapat pa lamang ako ng pintuan ng kuwarto namin nila Monique ay suminghap ako dahil may humigit sa akin.

"Ansel ano ba!"

"We're fucking talking," kalmado ngunit mariin niyang untag.

I quivered when we entered a room. I'm guessing it's the room he booked. Galit kong sinalubong ang tingin niya. I was taken aback at the determination and authority I see in his eyes.

"Why do you always run away whenever we have a problem?" Umigting ang panga niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at bumitaw. But he quickly caught my hands again, pulling me to him.

"Ano ba!" Bumitaw ako. "Bakit ka ba kasi nandito?!"

Lumayo ako sa kanya. Kinabahan ako nung i-lock niya ang pintuan at tinignan ako.

"Sinundan ko ang asawa kong hindi umuwi sa akin ng dalawang araw. Damn, you're so good in making me crazy," iling niya.

"Matagal ka ng baliw. Huwag mo akong idamay."

"Yeah. I was long crazy... for you," he breathed.

That's it. I snapped.

"Huwag mo nga akong niloloko!" Nagsimula na namang mabasa ang gilid ng mga mata ko. "Alam kong nagsisinungaling ka lang! Bakit ka pa sumunod dito? Tapos mo na akong niloko hindi ba? Nagtagumpay ka na! I fell for you! And you hurt me badly! Hindi pa ba sapat 'yon sa'yo?!"

Ansel's jaw clenched.

"Nakaganti ka na e! At ang sakit Ansel!" I bit my lip. "Nilalayuan na nga kita! Kulang pa ba ang panlolokong ginawa mo sa akin? Sinundan mo ko para dagdagan pa? Ano naman ngayon? Ipapamukha mo sa akin na isa lang akong laro para sa'yo? Gets ko na!"

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon