Chapter 5

30.1K 911 116
                                    



CHOOSE


Iana
Nakatunganga ako sa TV habang kumakain ng tart. Isang linggo na pala ang nakalilipas simula nang tumira ako dito. One week of being in this hell hole with the devil reincarnated.


I glared at my phone when it rang and revealed my Mom's name. Napailing ako at sinagot iyon.


[Anak..] mahinahong bungad niya.


"Missed me, Mom?" Nanunudyong untag ko. I didn't want to sound bitter but I couldn't stop myself. Inunahan ako ng sarili kong emosyon.


[Anak, sorry..] narinig ko ang paghikbi niya. Suminghap ako at napasandal ng tuluyan sa sofa. [I am sorry kung wala akong magawa. Wala akong nagawa. Anak, patawad. Patawarin mo ang Mommy.. please..]


Umiling ako at napapikit nang marinig ang munting mga hikbi niya. [Pasensya na kung nabigo kita. Kung wala akong magawa. Kung hindi ko kayang tutulan ang iyong ama. Sinubukan ko, anak... but your father pushed it.]


"In order to protect his name, he gave me away like nothing. And wedded me to a stranger. Is that it, Ma?"


Gustong-gusto kong manumbat pero pinigilan ko ang sarili ko. Hanggang ngayon, hindi ko halos matanggap na kaya akong ipamigay ng Ama ko ng ganun lang. Para ano? Pambayad ng utang niya?


[Puwede ba tayong magkita, anak? Miss na miss na kita..]


Nailing ako upang pigilan ang pagluha ko pero hindi ko nagawa. Tears fell from my eyes. Agad kong pinunasan iyon.


"Is Papa there?"


Saglit siyang natahimik pero kalaunan ay sumagot. [Yes. But please–]


"Then I'm not coming over," matigas kong wika. "I'll call you back. Kailangan ko pa na pumasok sa trabaho."


Nabigo ako sa usapan namin ni Mommy. Heaven knows that I miss her so much. I miss her hugs and kisses. The mere thought of my parents just breaks my heart.


"Ma'am Iana, kain na po kayo. Sabi po kasi ni Sir huwag ko daw po kayong gutumin at siguraduhing makakain kayo," Helena said. Ansel hired her so I can have someone around when he's not here.


Kahit si Helena na lang ang maiwan dito at hindi na bumalik ang Monterro na 'yun! Mas gugustuhin ko pa nga na kasama si Helena kesa sa isang demonyo.


Palagi rin siyang wala rito. Umuuwi lang tuwing gabi at umaalis naman ng sobrang aga. One thing I noticed, he is a workaholic type of man. Which is a good thing because I don't want to see his face.


Napamasahe ako sa sentido ko. I cannot even believe that I let him kiss me! What the hell was I thinking?! That will not happen again! It will never happen again!


"I'll just have coffee, Helena, please. Thank you."


Her eyes widened a little. "Pero Ma'am, sabi po kasi ni Sir pakainin daw po kayo ng tama–"


"I can manage myself. He doesn't have the right to force me to eat," matabang kong sabi dahil sa inis ko sa Monterro na 'yon. I gave Helena a small smile to assure her. "If he scolds you, tell me. Ako ang kakausap sa kanya."


Because of what's happening lately, medyo napabayaan ko na ang trabaho ko. I sighed when my phone rang again.


[Iana Jace Torres! Himala! Sumagot ka na sa mga tawag ko!] Direk Joe loudly spoke.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon