Chapter 17

16.4K 661 686
                                    





BACK


"Sino 'yan?" Mahinang tanong ko. "Sino si Bianca? Hindi mo ba sasagutin tawag niya?"


His jaw clenched. Nahimigan ko ang labis na kaseryosohan sa mukha niya.


"No. It's not important," he cancelled the call and turned his phone off before focusing his gaze back on me.


Not important? Pero halos ipagsigawan ng Mommy niya na siya ang gusto nitong napangasawa sana niya at hindi ako.


"Ikaw?"


Kumunot ang noo ko at tiningala siya. "Ako? Bakit ako?"


Ansel pursed his lips and removed his coat. Seryoso ang mga mata sa bawat galaw. Habang nasa ginagawa niya ang kanyang atensyon ay kinuha ko ang pagkakataong iyon upang namnamin ang paninitig sa kanya.


"Maginaw na. Isuot mo muna," aniya.


Humakbang siya palapit sa akin. Tumungo ako dahil sa hindi ko nakayanan ang paraan ng pagtingin niya. Ngunit naramdaman ko ang daliri niya sa aking baba at marahang inangat iyon.


"Are you okay?" Ansel asked softly.


Iba-ibang emosyon ang pumailanlang sa dibdib ko sa marahang boses niya. Kung kanina ay naiinis ako dahil sa mga binatong salita sa akin ng Mommy niya. Now, I just feel churning in my stomach! Only him has ever made me feel these kinds of emotions. It's scaring me because it's getting stronger day by day now.


"And why won't I be?" I whispered back, trying to hold onto my thin line of confidence.


"Iana, I'm sorry," he sighed. "I apologize for the way my Mom treated you back there," gumalaw ang panga niya. "That's the last one. I'm not letting her say injudicious words to you or even treat you badly. Not when I'm around."


Kung gaano kaginaw ay ganoon rin kalamig ang boses niya. He placed his coat around me. Gulat na napaawang naman ang labi ko kasabay ng pagpikit ko nung maramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa noo ko.


"Masakit pa paa mo?"


Doon lang ako napamulat. I am aware that my cheeks are burning right now! Sa pagkakaalam ko ay galit at inis lang nararamdaman ko sa kanya dati! Why on earth am I feeling so attached to him now?!


Nangatog ang mga tuhod ko. Ngumisi ako at lumayo sa kanya para pakalmahin ang dagundong sa puso ko. Fuck, since when have I been into him?


"Hindi ko ata naramdaman. Masyado akong naging focused sa kaba sa pagpapakilala mo sa akin sa mga magulang mo at sa mga salitang pinagpalitan namin e. But I'm getting better," sagot ko at hinawakan ang mainit na coat ni Ansel na pinasuot niya sa akin.


Tahimik ang naging byahe namin pabalik. Ngunit dahil ako iyong mausisa, hindi ko napigilan ang sarili ko. Kailangan kong magtanong. Ayokong nababagabag ako.


"Ansel, who's Bianca?" Bumuka ang bibig ko ng kusa. "It's okay if you don't want to answer though."


Ansel smoothly accelerated the car and moved the car shaft. Sa akala ko ang hindi siya sasagot, nakita kong sumulyap siya sa aking repleksyon sa harapan.


"A childhood friend," aniya.


"Just a childhood friend?" I wanted to know who she was before my curiosity eats me alive.


He looked at me once more as if he's wary of my actions so he needs to be careful in choosing his words.


Ansel cleared his throat. "Ex-girlfriend," like he tried forcing those words out of his mouth.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon