Chapter 39

18K 666 910
                                    

.

.

NAME

Iana
Dalawang araw na ang nakalilipas. Nanatiling tapat si Ansel sa kanyang mga salita. Pero heto naman ako at panay iwas. Bakit? Kasi naiilang ako! Sa mga akto niya. And his acts of service language isn't a joke at all. Lahat ng ginagawa niya, pinapabilis ang tibok ng puso ko.

Hindi na healthy ang nararamdaman ko. Ilang araw ko pa lang siyang nakikilala pero ang dami na niyang emosyong binubuhay sa systema ko.

Sapat na si Azi para makumpirma ko na may naging ugnayan kami ni Ansel. Or is my heart reacting because I've had deep feelings for him before I got into an accident?

Iana.. if I am that woman, minahal ko nga ba si Ansel?

"Liana! Paki dala nga itong meryenda ng mga trabahador sa labas, anak," tawag sa akin ni Manang Pacing.

Napaawang ang labi ko nung tabigin ni Hanna ang kamay ko at siya ang nag-angat nung tray. "Ako na po, Manang! Si Bea na lang din po ang magdadala nung maiinom!"

Kumurap si Manang. Tututol pa sana siya pero nauna nang naglakad si Bea dala ang mga maiinom. Hindi pa nakalutas sa mga mata ko ang pag-irap niya sa akin.

"Ay, mapilit. Sige lang," bulong ni Manang nung kuhanin na nga ni Hanna at sumunod kay Bea.

Sina Carmela at Jesi ay namalengke kasama si Badong.

"Oo nga pala! Pakidala na lang din itong iba pa na sandwich roon at siguradong kulang 'yon dahil madami-dami sila. Ang lalakas pa ng mga sikmura!" Tumawa kaming dalawa.

Huminga ako ng malalim bago tumungo sa hardin. Umaga pa lang ay abala na ang lahat sa paghahanda para sa party na gaganapin mamayang gabi. Uuwi rin kasi 'yung panganay na anak ng mga Enriquez kaya talagang pinaghahandaan rin ng mag-asawa.

Pagdating ko roon ay agad nakuha ng atensyon ko si Hanna na naroon sa puwesto ni Ansel. She was offering him the tray of sandwiches.

Humakbang ako palapit sa  puwesto nila. Kahit medyo malayo pa ako ay kita ko ang pagguhit ng malalim na gatla sa noo ni Ansel habang nagsasalita si Hanna.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa tray. Kitang-kita ko paano hagurin nila Bea ng tingin ang walang saplot na pang-itaas ni Ansel. Pinagpapawisan ito ngunit hindi iyon nakabawas sa karisma niya. Ramdam ko hanggang sa puwesto ko ang lagkit ng pagtingin nila rito.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa kalooban ko. Ano ba itong nararamdaman ko?

Bakit ba kasi siya nagtanggal ng pang-itaas?! Bumuntong-hininga ako. Wala rin namang pang-itaas 'yung ibang trabahador pero kasi! Angat na angat 'yung katawan ni Ansel dahil sa perpektong pagkakahulma ng katawan niya.

At bakit ba kasi ito nag-apply na maging hardinero? Nawawalan na ba siya ng bait?!

"No. I'm good," walang emosyong sagot ni Ansel kay Hanna.

Naipinta sa mukha ni Hanna ang pagkadismayado. "S-sige po."

"O, Liana! Meryenda rin ba iyang dala mo?" Pansin sa akin ni Manong Berting.

Ngumiti ako sa direksyon niya at lumapit. "Opo, Manong! Napasobra po 'yung gawa namin ni Manang Pacing."

Nawala sa kanya ang atensyon ko nung marinig ang garagal na boses ni Hanna. "S-sir Ansel?"

Bumaling ako sa gilid. Naroon si Ansel na mariing nakatingin sa akin. Tinigil niya ang ginagawang pag-till ng soil. Kinabahan ako nung tumayo siya at sinimulang humakbang papunta sa direksyon ko.

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon