Chapter 36

12.9K 647 653
                                    

raxibells, criticizing a story is valid and acceptable but degrading the author is another thing. If you cannot appreciate this story anymore, then you can gladly drop it like you said. There's no room for a meanie in this family. Thank you for your opinion. I'll take note of it.

Happy reading everyone.

UNFAMILIAR

Iana
Iniwan ko 'yung lalaking baliw roon at nilapitan ang anak ko. Kinarga ko siya at hinalikan sa noo.

"Nagising ka ba namin?" Mahinahong tanong ko. "I'm sorry. Lutuan ka lang ni Mommy ng food mo tapos tawagin na lang ulit kita? Can you stay in your room for a little while muna, anak?"

Nilingon ko si Ansel na ngayon ay nakatingin kay Aziel. I felt a pang of pain in my chest when I saw his lip quiver. Para siyang pinapatay habang tinitignan si Aziel at ako. Ano itong nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan.

"I-is he our son? Iana, fuck," bulong nito sa hangin.

Halos mawalan ako ng hininga. Natutop ko ang bibig ko nang may matanto. Buong katawan ko ay nanlamig. Bakit m-magkamukha sila?

Every feature of Aziel is the spitting image of the stranger in front of me. Maski pananalita nila ay parehas.

Kaunti na lang ay malalagutan na ako ng hininga. Sumasakit rin ang ulo ko. At sumisikip ang bandang dibdib ko.

"Mommy?" Mahinang tawag ni Azi. "He looks like me," bulong sa akin ng anak ko.

"A-anak, sa kuwarto ka muna," halos wala ng tinig ang lumalabas sa bibig ko nang ibaba ko si Azi.

Sinipat niya pa ang ginoo at pinanliitan ng mga mata. Tinuro niya ang sariling mga mata niya tsaka iyon tinuro sa ginoo ng may pagbabanta sa mukha niya tsaka kami tinalikuran.

Pagkaalis niya ay inipon ko ang natitirang lakas ko para tignan si Ansel. Ansel Monterro ang pangalan, hindi ba?

"Find him," magaspang na sabi niya kay Silas na agad tumango.

Sino?

Nawala ang katanungang iyon sa isip ko matapos bumaling sa akin ang atensyon niya. He wiped the tears that fell from his eyes using the back of his hand. Muli niya akong tinignan.

Nagtaas baba ang dibdib ko habang pinapanood ang unti-unting paglalakad niya palapit sa akin. Dapat akong lumayo pero natuod ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at wala akong nagawa. Bigla akong nanghina at nawalan ng lakas.

"Huwag mo akong hawakan, pakiusap," hinang-hina kong sabi at sinubukang bawiin ang kamay ko ngunit hindi niya ako hinayaan.

Umiling siya. At halos manlumo ako nang binaba niya ang isang paa at tuluyang lumuhod sa harapan ko. Nababasa kong hirap na hirap siya. Punong puno ng labis na pananabik, sakit at panghihinayang ang mukha niya. Dama kong nangatog ang aking mga binti. Para akong matutunaw sa ginagawa niya.

"That kid.." simula niya. "Most of his features are mine," lumunok siya.

Paano nangyari iyon? Bakit ang lalaking kaharap ko ngayon ang kamukha ng anak ko? Bakit niya sinasabing siya ang asawa ko?

Umiling ako. "Hindi! Anak namin siya ni Dante!" Nanginig ang boses ko. Maski ako ay tila niloloko ko ang sarili ko.

Akmang itutulak ko siya palayo nang tumayo siya at kinulong ako sa bisig niya. Niyakap niya ako mula sa likuran at sinigurong hindi ako makakakalas. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Ang init ng yakap niya ay tila ako'y binabaliw. Pamilyar ang hubog ng katawan niyang sakop ang akin. As if my body knows him well enough.

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon