Chapter 31

14.9K 507 520
                                    

STALKER

To my dismay, nalaman nina Direk Joe na balak kong lumipat sa inn ni Ansel so he talked to me. I ended up coming back to where the girls are. He got a point. Mas mahihirapan silang kontakin ako para sa shoot if ever may changes and adjustments kung sa room ni Ansel ako matutulog. And I know for a fact that they're really intimidated by Ansel. Mukhang takot rin sila kaya baka mag-aalangan lang silang kontakin ako if ever. Ayoko namang ganoon. I am at work right now and I should stick with the team. That's just how it's supposed to be.

From: Ansel Monterro
Please stick with the PMG team. Don't make me worry too much. I'll keep up and find you immediately.

Napangiti ako matapos mabasa ang message niya. Since biglaang nagpatawag si Direk Joe ng meeting, sinabihan ko na lang siya. And he left after kissing me thirstily. Muntikan pa na may makakita sa amin kung hindi lang ako kumalas agad.

Ansel was actually very understanding. Hindi niya ako pinilit.

Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Bianca na nakatingin sa kamay ko. I frowned when I noticed that she's looking at the ring on my finger. Anong meron? Gusto niya din?

"Ah, I'm so excited! Sana madaming gwapo!" Sadaka squealed while we're on our way to the venue.

Nailing lamang ako. I glanced at my phone again when it beeped.

From: Ansel Monterro
Call me immediately if something happens. Upper cut mo 'yung hahawak sa'yo na lalaki. Ako na tatapos sa kanya.

What the heck? Mahina akong natawa. Who would have thought that Ansel has this side of him? Siya ba talaga nag-text neto? Parang hindi naman!

"Iana, where's your so called husband?" Paula suddenly asked. Sumulyap ako sa kanya at nakitang prente niyang tinitignan ang kuko niya. Mamaya maging kamuha na niya.

Hindi ako sumagot. I just bit my lip. Nasa room niya. He's there because he needs to make some calls regarding work. Napaka-busy kasi niyang tao pero sumunod pa rito. That man is just confusing as hell.

Bianca
I smirked. Seems like she doesn't even know where my Baby is!

Naglaho ang ngisi ko nang maalala 'yung sinabi ni Dante kanina. How dare him say that Iana looks better than me when in fact I am the best in all angles?!

Bulag lang ang hindi makakakita sa ganda at kasexyhan ko.

Hipokritang Iana! Bida-bida na lang palagi!

Madilim na at malamig ang ihip ng hangin. Kagaya ng panlalamig ni Ansel sa akin. What happened? Why is he hurting me this bad? Alam ko namang sinasadya niya lang akong saktan at ginagamit niya lang ang walang delikadesa na si Iana para pagselosin ako! And hindi na ako natutuwa ha!

Hindi ako delusyonal. Alam kong mahal pa rin niya ako. Nararamdaman ko 'yun. May pagtingin pa rin siya sa akin.

Walang karapatan ang iba na husgahan ako dahil totoo namang minamahal ako ni Ansel. I'm too addicting, he can never get over me.

Iana
Maingay ang paligid dahil sa napakalakas na tugtugin. May mga nagsasayaw na rin sa gitna. Most of them are wearing bikinis. 'Yung mga lalaki ay naka-topless.

I looked at the sea na may kalayuan sa kinaroroonan namin. Sa lakas ng tugtugan ay hindi ko na marinig ang hampas ng mga alon. Gusto ko nang matapos agad ang shoot at umuwi. I want to see Calista already. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang hagkan. I want to stay by her side. Sleep by her side. Kung maaari lang i-fastforward ginawa ko na.

"Iana, h-hi. Uhh, ang galing mo kanina sa shoot. You're really an ace," tumabi sa akin si Albert.

Napaayos ako ng upo nung ipatong niya sa likod ng upuan ko 'yung braso niya. I looked at him and just nodded. I played with the rings on my hand unconfortably.

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon