Chapter 38

15.5K 673 1K
                                    

.
.

APPLY

Iana
"Nakahithit ka ba?" Wala sa huwisyo kong tanong.

Natawa lang siya. Pagkatapos naming kumain ay litong-lito ako dahil pinaupo lang ako ni Ansel sa sala. Sabi niya ay siya na raw gagawa lahat. Nagpumilit pa ako pero sadyang ayaw niya talaga.

'Hahalikan kita. Isa pang pilit mo.' Kung iyan ba naman ang banta niya sa'yo, hindi ka ba matatakot?

Edi iniwan ko kaagad siya roon na natawa. Sineryoso niya ang sinabi. Siya mismo ang nagligpit sa kinainan namin at siya rin naghugas ng pinggan. Siya na rin nag-ayos.

"Nasaan pala si Sir Silas?"

"Bumalik sa hacienda nila."

Tumango ako. Tinignan ko si Aziel na pinapanood lamang si Ansel.

"D-daddy, ano itutulong ko?" Alanganing tanong ni Azi na sinusubukang iproseso ang natuklasang katotohanan.

Tumingin sa kanya si Ansel bago lumapit kay Aziel. Hinalikan niya sa ulo si Azi. Then he ruffled his son's hair.

"Leave this to Daddy, hmm? Mommy will help you prepare. Then Mommy and I will take you to school. Okay lang ba 'yun sa'yo, anak?" He was so genuine and careful when talking with Azi. The love in his eyes never faltered.

Nakakapanibago.

Aziel looked so overwhelmed. He nodded before turning to look at me. Mahina akong tumawa nung lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko para hilain ako patayo.

"Tulungan mo daw ako magprepare, Mommy," he looked so shy but excited at the same time. "Hahatid niyo daw ako ni D-daddy."

Naantig ang puso ko. This is the very first time na maihahatid si Aziel ng Daddy niya. And I am happy that it's done by Ansel, his real father. Dante never did this. Ako palagi ang naghahatid kay Azi at nagsusundo sa kanya.

"Marami akong gustong itanong," pagtatapat ko kay Ansel. "Gusto kong mas makilala ang sarili. 'Yung Iana Torres na ako. Maaari mo ba akong tulungan?"

Ansel looks surprised at first. I read the hesitancy in his eyes.

"Please?"

He looked away and sighed. "We need to take it slow. I don't want to see you faint and get restless again after being bombarded with too many details."

Natigilan ako sa narinig. Is this how it feels to be cared for the right way? He looked so serious. Nakasandal siya sa may counter table habang inaayos ko 'yung baon ni Aziel. Pinapanood ang mga galaw ko.

Hindi ko kinalimutan na maglagay ng Hansel. Isa rin 'to sa paborito niya e. Kung sa pagkain ay bulalo. Sa snack naman, hansel crackers. Weird.

I felt overwhelmed while watching Aziel waving at us before entering their school's gate. He looked so happy and proud. I have never seen him this happy before. I know that he may not yet understand what is really going on, but he responded positively. He still accepted Ansel. And that's one thing I'm proud of Azi.

Ansel even waited for Azi to get inside the gate before he maneuvered the car. Paglabas namin ng bahay ay may nakaparada nang kotse roon. BMW sedan. Kotse ata ni Sir Silas dahil malabong pag-aari ni Ansel kase hindi naman siya tagarito.

"What are your plans today?" He turned to me.

"Pupunta sa hacienda ng mga Enriquez. Tarabaho lang," sagot ko.

Nailang ako nang mapansing panay sulyap siya sa akin gamit ang front mirror ng kotse.

"Damn.. every part of me is yearning for you.." I heard him whisper something but it was unclear.

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon