Chapter 34

13.6K 637 783
                                    

hiii! pasensya na sa super tagal na ud. acads, duties, research defense, fam and self-care po kasi priniority ko huhu. I apologize po sa mga naghintay. hoping tuloy-tuloy na ang uds.


BISITA

five years later

Iana

"Manong Berting, paki lapag na lang ho sa lamesa. Maraming salamat po," ani ko.

Siya ay kasama ko rin na nagtatrabaho sa hacienda ng mga Enriquez. Siya ay isa sa mga pinakamatanda at pinakamatagal na nagtatrabaho roon. Asawa niya ang mayordoma roon na si Manang Pacing. Talagang mababait at mabubuti silang tao.

Pinagpagan niya ang damit at tumango. "Nasaan nga pala ang asawa mo?" Tanong niya. Nahuli ko ang pagngiwi niya.

Marahan akong natawa. Alam ko at napapansin ko na sadyang ayaw niya sa asawa ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Marahil ay ayaw niya sa ilang ugali nito.

"Lumabas lang po saglit," ngiti ko. "Susunod na lang po ako mamaya sa hacienda, Manong Berting. Ipagluluto ko lang po ang pamilya ko."

Napagpastahan ko rin na mag-ayos muna ng kusina habang nagluluto. Isang singhap ang kumawala sa labi ko nang may kamay na yumapos sa baywang ko.

"Bango naman ng asawa ko," bulong ni Dante bago ko naramdaman ang labi niyang dumikit sa balikat ko.

Maglilimang taon na magmula nung lumipat kami dito sa Camiguin. Ngunit dito kami sa may liblib na parte naninirahan.

"Pawis ako, Dante," untag ko at lumayo kaunti sa kanya.

I closed my eyes when he made me face him and cornered me while eyeing me with dark eyes.

"Nakita ko sina Lardo kanina. Usapan ka at halatang natitipuan ka," humigpit ang hawak niya sa baywang ko. "Sabi ko na e. Dapat hindi kita pinayagang magtrabaho doon sa hacienda ng mga Enriquez."

Kumunot ang noo ko. "Dante, parehas nating alam na kulang ang kinikita mo para pantustos sa mga gastusin rito sa bahay. Hayaan mo na lang ako. Ni hindi ko nga sila pinapansin. May asawa na ako at ikaw 'yon."

"Pero para sa kanila ay tingin nila may pagkakataon pa silang makuha ang atensyon mo. Puwede bang tumigil ka na lang sa pagtatrabaho roon? Medyo malayo pa ang hacienda, baka mapaano ka pa sa daan papunta roon at pabalik rito!" He looked so stressed.

Sa limang taon naming pagsasama ay walang isang linggo na hindi kami nag-away. Kahit malaki o maliit na bagay.

Nailing ako. Alam ko namang nag-aalala siya pero talagang kulang ang kinikita niya para sa pang-araw araw naming gastos. He is working as an employee pero hindi niya pa sinasabi sa akin kung saan. Basta dito rin lang sa Camiguin.

Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita. Dante looked pissed. Pero napahawak ako sa balikat niya nang walang sabi niya akong hinalikan.

"Dante..." Mahinang protesta ko.

Dumagundong ang puso ko nang lumalim ang paghalik niya sa akin.

"Ang sarap mo," bulong niya bago muling inatake ang labi ko.

Hindi ako makagalaw. Ang bukod tanging nasa isip ko ay ang pakiramdam na tila may mali.

"Pagbigyan mo na ako, sweetheart," ani Dante.

Suminghap ako nang hiklatin niya ang bestida na suot ko. Halos manlumo ako nang maramdaman ang palad niya pataas sa binti ko. Naestatwa ako at hindi makakilos, kahit ang pagtugon sa mga halik niya ay hindi ko magawa.

"Dante," nanginginig kong suway nang maramdaman ang kamay niya sa hita ko, nakaloob na sa palda ko. "H-hindi."

He continued to kiss me. Umiwas ako. "Dante..." pigil ko.

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon